Chapter 3

222 12 5
                                    

Chapter 3

***

Veron's Point of View

Maaga akong gumising dahil ayaw ko ngang malate. Nagulat nga lang ako nang makita ko si Kathy sa loob ng aking kuwarto at nang makita niya akong gumalaw agad niya akong hinampas ng throw pillow.

Naghampasan kami ng unan hanggang sa maghabulan sa sala. Halos lagi na namin 'tong ginagawa. Ito kasi ang trip namin tuwing umaga eh. Kung sino ang mauunang gumising papasok sa kuwarto ng isa at maghampasan ng throw pillow.

Masaya nga kaming magkakapatid eh, at close naman kami. Hindi rin kami pinalaking spoiled. Nang mapagod ay agad kaming pumunta sa kusina at nag gargle ng tubig bago pumunta ng lamesa.

Si dad, as usual nakaikot parin sa labas ng bahay. Tsk! Si daddy ko talaga. Nauna na kami ni Kathy sa pagkain. May pasok kami eh.

"Kuya, I'm excited today! Makikita ko na ulit yung crush ko at malalaman ko na rin ang pangalan niya!" Share ni Kathy sa'kin na halatang kinikilig.

"Naku! Tigil tigilan mo yang crush crush mong 'yan! Mapapatay ko talaga yang lalaking yan kung sasaktan ka niya!" Inis kong sabi rito.

"Sus, si kuya talaga kahit kelan ubod parin ng sungit! Pagbigyan mo na ako please..." At nag puppy eyes pa talaga ang loka.

"Hoy! 'Wag mo akong madaan daan diyan sa puppy eyes mong yan, 'di yan eepekto sa'kin."

"Grabe talaga 'to si kuya. Kahit masasaktan man ako sa kakamahal sa kaniya, wala ka na dun! Kasi ako lang naman ang nagmamahal sa kaniya ah kaya okay lang na masaktan. At least worth it ang lahat!"

"Wow! Ang haba ng speech mo! Ikaw na ang magmamana ng aking korona!" Ani ko at kunwaring inilagay sa kaniyang ulo ang kunwaring korona ko.

"Thank you! Thank you!" Sabi naman nito at maypa flying kiss pa si ate niyo mga bes!

"Ano na naman yan?" Si dad na paparating na pala sa kusina. "Kumain muna kayo, mamaya na yang bonding at baka malelate kayo!"

Tumawa naman kaming tatlo at tinapos na ang pagkain.

Naligo na ako at sinuot ang aking uniform na nung isang linggo ko pa pinatahi. Ang ganda ng uniform ng Nexus University. Long sleeve siya na white tapos may sando na brown na V-neck then, mayroon ring black na po neck tie at black pants.

Nilagay ko na sa aking likod ang aking bagpack at bumaba na sa sala kung saan nag aantay si Kathy sa'kin at kay Daddy na nakasuot na rin ng kaniyang uniform. Si Daddy kasi ang humahatid sa'min sa aming schools. Hindi na naghanap ng driver si Daddy dahil siya lang daw ang maghahatid sundo sa'min ni Kathy.

Nang makababa ako sa staircase, siya ring paglabas ni Dad sa kaniyang kuwarto na nakasuot din ng kaniyang office attire.

"Tara let's?" Dad said.

"Let's go!" Sabi naman ni Kathy at pumunta na kami sa garage at sumakay sa kotse.

Ako ang unang inihatid ni Dad. Nang makaabot kami sa tapat ng university, bago pa man ako makalabas nagpaalam na muka ako kay Dad.

"Bye Dad. Bye Kath!" Sabi ko at lumabas na ng kotse.

Nang umalis na ang sina Dad tumambad sa aking ang napaka aliwalas na unibersidad ng Nexus. Hindi pa ako nakakapasok ng gate halos malulusaw na ako sa kakatitig sa'kin ng mga babaeng estudyante na nagsisipacute sa'kin. Mukha silang nakakita ng artista.

Talo ko kasi ang mga guwapong lalaki dito sa university eh. Haha. Hindi naman kasi sa mayabang ako, pero totoo naman kasi.

Inirapan ko na lamang ang mga ito at tinungo ang gate.

Ako Si Gwapong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon