Monggi

82 1 0
                                    

Sa mundo kung saan madaming paasa,

hindi inaasahan na ika'y makilala;

Akala ko katulad ka rin nila,

nasabihan pa tuloy kita ng "malandi ka".

Hindi ko lubos maisip, nakausap ko ang taong tulad mo,

nakakatawa man, pero monggi ang tawag ko sayo;

Sabi nga raw nila, ang swerte ng katulad ko,

dahil nakausap ako ng isang lalaking kagaya mo.

From strangers turn into friends, ika nga,

ang bilis ng pangyayari, hindi ka ba nagtataka?

Minsan ako'y napatanong sa aking ina,

"Inay, pano mo malalaman kung siya na?"

Nginitian na lang ako ng aking ina,

at sinabi niya sakin, "dalaga na ang anak ko, ah?"

Pilit kong tinatago ang ngiti sa aking labi,

ngunit huli na dahil nakita niya akong nakangiting abot langit.

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon