Part 21

10 1 0
                                    


Isabel's POV

"So isabel anong swim suit mo?" Akbay saakin ni zia

"Paano mo nakilala si kristine at grey?" Sabay hawak naman sa braso saakin ni trixie

"Hey! Stop that. Tignan niyo nahihiya tuloy siya sa inyo" at hinatak naman ako ni monica. Siya naman ang pumalit kay trixie sa paghawak sa braso ko

"I want to know you better" at bungisngis niya

"MADAYA KA TALAGA!" Sigaw ng dalwa sa likod namin. Natawa naman kaming tatlo, kasama si tintin

Lumapit sila saamin at sumabay sa paglalakad. Dami ng tanong nila sa maikling minuto buti't nasagot ko naman lahat hanggang sa magkainitan si zia at trixie. Hala!

"Don't worry ganyan talaga sila" natatawang sabi saakin nina monica at kristine

"Hindi lang siguro ako sanay. Kayo kasi ang una kong naging kaibigan maliban sa bata kong nakilala after 12 years" hindi naman makapaniwala ang mukha ni monica

"Seriously?" Tanong niya

Hindi ako nakasagot dahil aawatin na namin yung dalwa ng bigla silang naghubat ng taklob nila at nakikita na ngayon ang hubog ng katawan nila at sexieng sexieng mga swim suit.

Kaya no choice kami at di namayan na yung dalwa.

"Para kayong baliw" bulyaw ni kristine

"Atleast SEXY" Napahilot naman si kristine sa sintido niya

Hinanap ko si grey o yung iba pero nung nakita ko sila nakatayo lang sila at nakatingin samin. Napataas tuloy ako ng kilay

"GREY! TULONG NAMAN DITO OH!" Sigaw ko kaya napailing siya at agad na tumakbo palaoit samin. Sumunod naman ang ibang boys.

"Tama na yan" at pinaghiwalay na nila yung dalwa

Si trixie binigyan ng stuff toy na unicorn ni seven at si zia naman nilayo ni brandon. Kumalma naman sila. Kaloka sila.

"Bati na tayo" napatingin kami skay zia at nginutian naman siya ni trixie at niyakap. Bati na sila :)

"Yun naman pala e. GROUP HUG!" At nagyakapan kaming lahat

In the AGE OF 17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon