Chapter 1

72 5 1
                                    

Hey guys so here's chapter one, sana magustuhan niyo. Share niyo rin sa friends niyo para masaya. Hehe happy reading! x

********

*Blaine's POV*

"Grabe, matapos ang ilang taon buti naman naisipan mong umuwi? Anong nakain mo Lia?" Sabi ko sa kapatid kong si Lia sa video call.

"Wala naman, bakit? Ayaw mo na ba akong umuwi? Hindi mo ba ko namimiss? I hate you talaga." Ang kunwaring nagtatampong sagot niya sakin. Haayy kahit kailan talaga, wala pa ring pinagbago.

"Oo ayoko na, pero joke lang. Hindi naman sa ayaw ko pero napaka kulit mo kasi ang sarap mong sapukin." Pabiro kong sagot sakanya.

"Oh c'mon Blaine, I know you miss me so much. I've been gone for like what? six years? I'm sure naman namiss mo ang pinaka maganda mong ka-kambal." Hay 'nako wala pa rin talagang pinagbago, mayabang pa rin kagaya ng dati.

"Hoy Blair! ikaw ha? Wala ka paring pinagbago, 2017 na ineng. Wag mong dadalhin dito sa Pilipinas mga kalokohan mo diyan sa States tatamaan ka talaga sakin." Sabi ko sakanya.

"Tamaan mo, mukha mo. Sige bye na muna, I'm gonna pack my things pa." Sabi niya naman. Jusko talaga tong babae na 'to, ngayon lang nag impake kung kelan ilang oras na lang bago siya umalis. -_-

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Nakita ko doon si ate Joan.

"Ate Joan, ayos na po ba yung kwarto ni Lia?" Tanong ko sakanya

"Opo sir, ayos na po lahat." Yan ang sabi ni ate Joan at nag thank you naman ako.

Bumalik ako sa kwarto at kinuha ko yung bag ko na ginagamit ko sa training namin. I'm a football player nga pala sa University namin. Pagka-kuha ko ng bag ko, agad akong dumiretso sa baba at lumabas ng bahay.

Nilagay ko yung gamit ko sa backseat ng sasakyan ko. Inistart ko na ang sasakyan at mabilis akong nag drive.

*******

After three hours, our training was done. It was so tiring, andito ako sa locker room with my teammates nagpapahinga.

Dumating si coach na mukhang natalo sa sabungan ang mukha. Joke lang, but seriously he really looks mad as hell.

"Asan nanaman si Draven?!" Sigaw ni coach.

"Naghahanap nanaman coach ng madadali niya." Sabi naming lahat habang natawa.

"Hay 'nako, sabihin niyo kay Draven kapag hindi siya nag training next week hindi siya maglalaro sa semi finals." Seryosong sabi ni coach, pagkatapos nun umalis na siya.

"Blaine, may party mamaya sa bahay nila Travis tara punta daw tayo." Sabi sakin ni Jag.

"Sure, what time dude?" Tanong ko sakanya.

"Mga 8:00 pm daw man. Ano g tayo?" Sabi niya sakin.

"Sige dude, text kita kapag papunta na ko." Sabi ko sakanya, we said our goodbyes and did a high five.

Lumabas na ko ng locker room, at dumiretso sa parking lot. Sumakay na ako sa sasakyan ko at mabilis na nag drive pauwi.

Habang nagda-drive ako nag ring yung phone ko, natawag si Lia. Agad ko itong sinagot.

"Hey, napatawag ka?" Sabi ko sakanya

"I'm at the airport na, waiting sa flight ko. Susunduin mo ba ko pag dating ko?" Tanong niya sakin.

Playing Fires Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon