Chapter 2

19 1 0
                                    

Ilang oras na akong nakatulala dito sa loob ng kwarto ng wizard na nakausap ko kanina. Windang na windang pa rin ang buong pagkatao ko dahil sa mga sinabi niya.

Gusto ko ring umiyak kapag naaalala ko ang lola kong naiwan mag-isa sa bahay namin. Kung kailangan ko pang hintayin na makagraduate ang lalake na 'yon bago ako makabalik sa mundo namin, ibig sabihin ay ganoon din katagal na mawawalan ng kasama si Nanang?

"Hindeeeeeee!" Sigaw ko na naman habang nakasabunot sa buhok ko. Ramdam ko ang sakit sa anit ko kaya alam kong hindi ako nananaginip. Totoo 'to.

"Will you please stop shouting? Para kang baliw sa ginagawa mo." Inis na wika noong wizard pagpasok nito sa kwarto niya.

"G-Gusto ko ng umuwi." Naiiyak kong sabi rito. Tumingin naman siya sa akin at lumapit.

"Kahit gusto mong umuwi, hindi pwede. Hangga't hindi mo nagagawa ang sinabi ko kanina, hindi ka makakabalik sa inyo." Tugon naman nito.

"May magic ka naman diba? Baka naman pwedeng gamitin mo iyon para pabalikin ako sa amin." Ani ko rito. Umiling naman siya at pumunta sa istanteng may mga libro, kinuha niya yung isang aklat roon at pinalipad iyon papunta sa akin. Nagulat pa ako sa ginawa niya.

"Walang spell na pwedeng magpabalik sa isang familiar being sa pinanggalingan niya ng sapilitan." Saad nito. Tiningnan ko naman ang pabalat noong libro ng makalapag ito sa tapat ko. "Read that book kung gusto mong mas maliwanagan ka. It contains all the information about Isla Magica." Dagdag pa nito saka lumabas muli ng silid.

Kinuha ko naman iyong libro at binasa ang nakasulat sa harap nito. Nakasulat ito sa ibang lengguahe pero himalang nabasa ko iyo. "The Magical Island." Iyon ang sinasabi ng pabalat ng libro. Agad kong binuklat iyon at namangha ako dahil hindi mga letra ang nakatala sa libro, kundi mga imahe na nagiging hologram sa ere.

* * *

Gabi na ng matapos kong basahin ang lahat ng nasa libro. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang wizard na nagngangalang Aizen. Nagulat naman siya ng makita ang hitsura ko.

"Mukhang tumigil ka na sa pagpi-freakout mo ah?" Nakangising wika niya.

"Totoo ba yung mga nakasulat dito sa libro? Na nakatigil ang oras sa mundong pinanggalingan ko at babalik lamang ito sa normal kapag nakabalik na ako?" Tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito at umupo katabi ko. "Yep. At dahil ikaw ang pinakauna at nag-iisang mortal na naging familiar being dito sa buong Isla Magica, sa'yo lang applicable ang law na 'yan." Dagdag pa niya.

Bumaba naman ako ng higaan at nagtatalon sa tuwa. "Edi ibig sabihin hindi mapapansin ni Nanang na nawala ako? Hindi rin siya malulungkot na mag-isa lang siya?! Ibig sabihin pagbalik ko doon ay parang walang nangyare?! Yayayyy!!" Sigaw ko. Tumayo naman rin si Aizen at lumapit sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabila kong kamay at tiningnan sa aking mga mata.

"Then, shall we do the familiar's contract ritual?" Tanong niya. Napataas naman ako ng kilay at napaurong paatras.

"What are you talking about?" Tanong ko rin dito. Inilabas niya yung isang kutsilyo na may kakaibang mga marka at hiniwa ang palad ko. "Aw! Why--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sugatan niya rin yung palad niya at ipinagdikit ang dalawa naming palad na may sugat. Tumulo ang mga dugo mula rito pero nagulat ako ng tumaas iyon sa ere at parang naghalo.

Isang nakakasilaw na ilaw ang nanggaling doon at saka tumama ang ilaw na iyon sa bato ng suot kong bracelet at sa suot niyang singsing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wizard's FamiliarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon