Nagising ako sa maingay na tunog ng alarm clock ko. Agad naman akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Unang araw ng klase ko ngayon bilang isang third year student sa Manfred University, Culinary course ang kinukuha ko at kahit papaano ay nagawa kong maitawid ang sarili ko hanggang third year kahit na may kahirapan din ang kursong ito.
"Nanang, aalis na po ako." Wika ko sabay ngiti sa lola ko na noon ay nanonood ng balita sa tebebisyon. Tumingin naman ito sa akin at inayos ang suot niyang salamin.
"Oh, Kai? Ang aga mo naman 'ata?" Tanong ni Lola. Siya si Lola Aberta, ang kaisa-isang taong kasama ko dito sa bahay. Ulila na kase ako sa magulang at iisang anak lamang niya ang mama ko, matagal na rin kase siyang balo sa asawa.
"Opening ceremony po namin kase ngayon, Nanang. Tsaka baka mahirapan po akong makasakay lalo't marami akong makakasabay na magsisipasukan din sa kanya-kanya nilang trabaho at eskwelahan." Tugon ko rito. Iniabot naman niya sa akin yung isangdaan na baon ko at ibinalik nito ang tingin sa pinapanood niya. "Bye, Nanang!" Wika ko muli saka ako mabilis na humalik sa pisngi niya.
Ilang minuto rin ang kailangan kong lakarin palabas nitong subdivision na tinitirahan namin, sa labasan pa kase naroroon ang pila ng mga sasakyan papunta sa eskwelahan ko.
"Ay pusang kinalbo!" Napatalon naman ako sa gulat noong may pusang biglang tumakbo sa harap ko. Sinundan ko naman ng tingin ito at hindi ko inaasahan na hihinto siya. Nakatingin rin ito sa akin. Halos isang metro lang ang pagitan naming dalawa. Namangha ako noong makita ko ang kanyang balahibo. Kulay itim ito pero parang pinaliguan siya sa kung anong makinang na bagay dahil,kumikinang-kinang ang balahibo niya. Sobrang nakakaakit ang hitsura nito sa mata.
Nagsimula ng maglakad ang pusang iyon papasok sa isang eskenita. Hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at parang kusa itong kumilos para sundan ang misteryosong pusa.
Nang tumigil ito sa tapat ng isang pinto ay napatigil rin ako. Nagsimula naman itong mag-ingay habang nakatingin doon sa pinto. Para bang sinasabi nito sa akin na buksan ko iyon.
Dahil nga may hindi maipaliwanag na pwersang kumukontrol sa katawan ko ay hinawakan ko ang pihitan ng pinto. Napalunok pa ako bago ko binuksan iyon. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Kasabay nito ang isang malakas na hangin na parang hinihila ako papasok.
"T-Teka?! Anong nangyayari?" Sigaw ko. Napatingin naman ako doon sa itim na pusa at para itong nakangiti sa akin. Anong klase ba talagang pusa ito? "Aaaaah!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko noong hilahin ako ng hangin papasok sa nagliliwanag na pinto.
Ang nakakapagtaka ay habang nakalitang ako sa kawalan at pilitin kong sumigaw ay walang tinig na lumalabas sa bibig ko. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil sa labis na takot. Naengkanto na 'ata ako? Mukhang ito 'ata yung nababasa ko sa libro na may mga lamang-lupa na kukuha sa'yo tapos dadalhin ka sa kaharian nila tapos papakainin ka ng itim na kanin at kapag kinain mo iyon ay hindi ka na makakabalik pa ulit sa mundo mo.
"Sino ka?" Agad kong iminulat ang mata ko ng makarinig ako ng tinig. Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng itim na cloak pero nakababa ang hood nito. Napataas pa ang kilay ko ng makita ang hawak niyang patpat. Bakas rin ang gulat sa mukha ng lalaking ito.
Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa damuhan. Papaano nangyaring nasa damuhan na ako gayong kanina ay sementadong lugar ang kinatatayuan ko?
Nang tuluyan na akong makatayo ay nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Maraming tao ang nakapalibot sa akin at lahat sila ay nakasuot din ng cloak. May mga hawak din ang ilan sa kanilang patpat na kagaya nang hawak noong lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/107010020-288-k449298.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wizard's Familiar
FantasyLa Magie Meister Academy is a school of magical arts and wizardry. When a student reach their third year in school, they are required to summon their own familiar beings. Aizen Edward Lockheart, known as the "Ice Prince" due to his cold treatment to...