BARBARA'S POV
Busy day for Steven and I, aayusin na namin yung company na ipinamana samin ng parents namin. Inaayos na namin yung mga meetings ng investors. Ang daming work na kailangan gawin sanay na ako kase bata pa kami ni kuya sinanay na kami ni Dad sa mga gantong business. Kaya naman hindi na ako masyado nahihirapan kailangan na lang yung mga paper signing na napakadami.
On the way na ako sa company for sure nauna na si Steven dun. Hindi na ako nakakain ng breakfast kaya tinawagan ko si Steven na sabay na kami hindi din daw kase siya nakapag take ng breakfast.
Pagkadating ko ang dami ng workers ang busy yung iba sumasagot sa calls, yung iba nakatutok sa laptop, yung iba naman nag aayos ng papers. Nagtataka lang ako kung bakit babagsak na tong company na to samantalang hindi naman nagkulang yung pag mamanage nila mommy. Tsaka nabasa ko sa background ng company maganda naman yung takbo ng company. Nagkaroon lang ng problema nung meron lang nag invest samin and then binawi yung shares na ikinalugi nito.
Pagkapunta ko sa office may bumati sakin na babae siguro ito yung secretary ko may tig isa kasi kaming secretary ni Steven.
"good morning Ms. Go" bati niya sakin ng nakangite.
"good morning, nandiyan na ba si Mr. Gonzales?" sabi ko habang tuloy tuloy na pumasok sa office ko, last name basis pag nasa work for formality kasi yun.
"Yes ma'am nandun na si Sir sa office niya. Ito na po yung mga papers na kailangan pirmahan pati yung mga meeting niyo sa bagong investors ng company, meron na din po ditong case kung bakit pabagsak na yung company, meron din mga company na gustong bilhin yung company niyo nandyan yung proposal nila pati na din po yung mga shares ng iba't ibang company nandyan na." sabi niya habang inilalapag yung makakapal na folders na punong puno ng papers.
"okay sige bilhan mo na lang ako ng breakfast ko at pakisabi kay Mr. Gonzales, kumain na lang siyang mag isa dahil madami pang trabaho ang gagawin." sagot ko naman habang nag brobrowse ng isang folder.
"ok po Ms." sagot niya ng nakatungo at lumabas na.
sumasakit ang ulo ko ang daming kailangan gawin naka excuse naman kami sa class ni Steven ngayon pero bukas hindi pwedeng hindi na kami papasok.
tok..tok..
"come in" sabi ko.
"hey Barbs, may meeting daw tayo next week kay Mr. Sy yung may malaking share sa company natin. Kailangan tayong dalawa ang aattend kasi may kailangan tayong pirmahan. Mukang bad news pa yung sasabihin sa atin ni Mr. Sy kaya pag-usapan na natin ito." sabi niya ng nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/858381-288-k112095.jpg)