Part One - Fact Hurts

39 2 0
                                    

Aria Gianna a.k.a Gian's P.O.V

"GO YELLOW DRAGON!"

"GO GIAN!"

"WOOOOH! GO FOR THE VICTORY!"

Napuno na sigawan at tilian ang buong Stadium ng University.  day kasi namin ngayon at kasalukuyang nasa kalagitnaan kami ng laban ng Volleyball. Kalaban namin ngayon ang senior player ng volleyball kaya naman ay nahihirapan kaming talunin sila. Last round game na ito for champioship competition kaya naman ay kinakabahan ako kung magagawa ba naming maipanalo ang laro. Lamang ang kalaban naming kaya naman konting pagkakamali ko lang ay sigurado na ang pagkatalo namin.

"GO GIAN! KAYA MO YAN! I LOVE YOU!" nakangiting nilingon ko sya at nakita ko ang mala angel nyang mukha, Si Collen Ocampo, ang aking one and only love and my girlfriend. Yeah may girlfriend ako at masaya ako dahil after 2years ay masaya parin kaming magkasama, Collen is very faithful and loyal to me at ganoon din naman ako sa kanya, kaya siguro nagtagal ang ralasyon namin dahil nagkakaunawaan kami at walang inililihim sa isa't isa, at proud ako sa kanya dahil kahit kailan ay hindi nya ako ikinakahiya sa kabila ng pagiging lesbian ko, at thankful ako kasi kahit na sandamakmak ang mga nag gwa-gwapuhang lalaking umaaligid sa kanya ay hindi nya ako nagawang ipagpalit. Haay buhay ang sarap mag mahal.

Prrrrt!

Tinira ko ang bola papunta sa laban at agad naman itong tinira nila pabalik sa amin. Kapwa seryoso ang bawat isa sa pag papalitan ng bola at walang nag papadaig.

"MINE!" sigaw ko ng papalapit ang bola sa pagitan namin ni Marie isa sa mga ka team ko. Tinira ko iyon papunta sa kalaban. Ibinalik din naman nila agad sa amin, mabuti nalang at naging maagap si Carla sa pag toss nya ng bola ng hindi nahahawakan ang net pabalik sa kabilang team. At nag patuloy lang ang takbo ng laro namin. Makalipas ang ilan pang palitan ng bola ay saakin naman tumambad ang bola, nagmadali akong tirahin iyon at sa hindi inaasahang pangyayari ay na out of balance ako at bigla na lang nag dilim ang paningi ko, pero bago pa man ako tuluyang bumagsak ay narinig ko ang malakas na hiyawan at palkpakan ng mga audience's...

*************

"Gian.." nagising ako ng may tumawag sa akin, nagmulat ako ng mata at agad ko namang nakita ang nakangiting si Coleen.

"Babe" sabi ko dito bumangon ako sa pagkakahiga ko at inalalayan nya akong umupo. Hinawi pa nya ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa mata ko.

"Kamusta ka na? OK ka na ba?" pag aalalang tanong nya sakin. napapikit ako at pinisil ang aking sentido na bahagyang kumirot ito.

"Ok na ako Babe, anong nangyari?" biglang lumungkot ang mukha nya at napabuntong hininga. "I'm sorry, its my fault, kung hindi lang sana ako na out of balance at nawalan ng malay baka naipanalo namin ang laro."  Nakatungo lang akong nakatingin sa mga kamay nyang nakahawak sa akin.

"No Gian its not your fault, wala namang may gusto sa nangyari. Actualy I'm proud of you kasi ibinigay mo lahat para sa laro nyo. At kung iniisip mo naman ang team mates mo at si coach, ok lang naman sila nasa training room sila ngayon gusto mo bang puntahan sila?" hindi ko alam kung kaya ko bang humarap sa kanila matapos ang pangyayari. Alam kong ito ang pinaka inaantay naming lahat, ang maipanalo ang larong ito pero sa kamalasan ay hindi kami nag tagumpay.

Pilit akong ngumiti sa kanya at saka tumango bilang tugon. Lumabas na kami ng clinic at tihak na namin ang daan papuntang training room. Tahimik lamang akong naglalakad habang iniisip ko parin ang pagkatalo namin, sayang.

"Gian andito na tayo." pukaw nya sakin. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Napabuntong hininga ako bago ko buksan ang pinto. Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto at makapsok sa loob ay ganoon na lang ang gulat ko ng biglang may magsaboy ng confetti sa harapan ko at sabay sabay silang sumigaw....

Ang Magandang Babae na Gwapo PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon