Part 2 - acceptance

70 1 0
                                    

>2<

1 week

1week ko ng hindi nakikita si Coleen simula nung gabing nalaman na ng pamilya nya ang relasyon namin. Sa 2 years naming relasyon ay hindi ko inaasahang magkakaganito kami. 

Almost perfect na kami eh, kaya lang ganun ata talaga pag nagmamahalan ang dalawang tao, palaging may humahadlang.

Lalo na kung sa paningin nila ay hindi tama kagaya ng sa sitwasyon namin. Ano namang mali sa amin eh pareho naman naming mahal ang isa't isa. Nagkataon nga lang na hindi ako tunay na lalaki, pero kahit na tomboy ako sa kanilang paningin eh marunong naman akong mag mahal ng higit pa sa pag mamahal ng isang tunay na lalake.

"Tol!" napalingon ako sa taong tumapik sa balikat ko, si Carla pala ang pinsan ni Coleen. "Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Coleen last week. Pasensya ka na sa inasal nila sayo, actually pati nga ako napagalitan at napagsalitaan ng hindi maganda ni kuya Fer."

"Ok lang yun, Hindi mo naman kailanagang mag sorry dahil wala ka namang kasalanan. Nabigla lang siguro sila sa nalaman nila at naiintindihan ko naman sila dahil alam kong iniisip lang nila ang kapakanan ni Coleen." napabunting hininga ako sa sinabi ko, yeah kapakanan lang naman talaga ni Coleen ang iniisip nila kaya nila nagawa yun sa akin, sa amin. "Oo nga pala, may balita ka ba kay Collen? Kasi isang linggo na syang hindi pumapasok eh, Hindi ko rin sya makontak palaging naka off ang phone nya." pang uusisa ko dito. Siguro naman may alam sya dahil mag pinsan sila at magkalapit bahay pa.

"Sa totoo nyan may gusto sana akong sabihin sayo, kaya lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan." Inilayo nito ang tingin at tumitig sa malayo na para bang pinag iisipan kong sasabihin ba nya sakin ang gusto nyang sabihin o Hindi, at dahil doon ay bigla naman akong kinabahan.

"Ano ba yun? Sabihin mo na." Ibinalik nya ang tingin sakin at saka bumuntong hininga.

"I'm sorry to tell you this pero....kasi si Coleen." Sobra na talaga akong kinakabahan sa inaakto nya, mukhang may hindi maganda sa sasabihin nya, marami ng pumapasok na hindi maganda sa isip ko pero pilit ko itong binabalewala. Pero bigla na lang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. "Nasa states na Si Coleen kasama family nya for good." at mas lalong hindi ko kinaya pa ang isang balitang dumurog sa puso ko. "Ikakasal na sya!"

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko galing kay Carla, pinilit kong wag paniwalaan ang mga sinabi nya pero wala akong magawa dahil yun ang katotohanan. Isang sulat galing kay Coleen ang syang nag patunay ng katotohanan. Isang sulat na syang tuluyang nagpalugmok sa akin.

"Gian,

Sa panahong nabasa mo ang sulat kong ito ay syang oras ng pag lisan ko, I'm sorry Gian kung nagawa kitang saktan ng ganito, Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal pero mas alam mong magagawa Kong isakripisyo ang lahat para sa pamilya ko, I need to end up or relationship for the sake of our family. Sobrang lugmok na ng pamilya ko at tanging ako Lang ang pwedeng sumalba nito. I can't face you personally dahil Hindi ko kayang makita kang nsasaktan kaya naman dinaan ko na lang sa sulat na ito ang pamamaalam ko sayo. I'm sorry but I need to say goodbye."

Ang Magandang Babae na Gwapo PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon