>3<
Makalipas ang Isang taon..
"Mine!" sigaw ko sabay tira ng bola papunta sa kalaban, agad naman itong ibinalik sa amin, tinira naman ni Carla iyon sa kabila. Two points lang ang kailangan namin para manalo kami sa labang ito, kaya naman ay pinag bubutihan namin ang laro.
Nagpatuloy lang ang laro namin hanggang sa halos pantay na ang mga score namin. Tumatagaktak na ang mga pawis namin at halata na sa aming mga mukha ang pagod. Pero patuloy pa rin kaming lumalaban para sa tagumpay. "GO GUYS! KAYA NYO YAN!" pag chi-cheer sa amin ng mga ka-klase at schoolmate namin. Maging si Coach ay tensyonado na rin sa takbo ng laban namin.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas....
"MHINE!!!!!"
Buong pwersa kong tinira ang bola papunta sa kalaban.Parang naging slow motion ito sa paningin ko at kinakabahan sa kalalabasan. Kasabay ng kaba ko ay ang tila nakakabingin katahimikan na halos lahat ay nakatingin Lang din sa bola na pigil ang hininga at hindi ikinukurap ang mata.
Ilang minutong katahimikan, ilang segundo ang lumipas ay nakaabot na din ang bola sa kalaban at kasabay noon ay ang nakakabinging........
"WOOOOOAH!!"
"YEEESSSS!!!"
"WAAAAAHHHHH!!!"
Sigawan at sabay sabay na nagsitayuan at nag palakpakan. Ang iba pa nga ay nag lundagan sa sobrang kasiyahan.
Naiiyak na nag lundagan at nag yakapan kami ng mga kateam ko, lumapit na din si Coach sa amin at niyakap kami sabay sigaw ng..
"WE WON!"
Yes naipanalo namin ang laro! Sa isang dikit at kritikal na laban namin ay nagawa naming maipanalo ang laro. Nakakapagod sobra pero worth it namin dahil nakamit namin ang tagumpay.
Ganun naman talaga di ba, lalo na sa laro ng buhay. Kahit gaano pa kahirap ang pagsubok na kinakaharap mo ngayon ay kailangan mong magpakatatag at wag panghinaan ng loob, kailangan mong lumaban upang malagpasan mo ang hamon ng buhay mo. At kapag ibinigay mo ang lahat ng makakaya mo para sa laban ng buhay mo ay tyak na ang tagumpay na hinahangad mo. Pero kung nagkamali ka man sa mga hakbang mo dahilan ng pagkatalo mo ay wag kang mag alala dahil hindi ka man nagtagumpay ngayon, ipagpatuloy mo lang ang laban at siguradong dadating din ang tagumpay na iyong pinakaasam-asam.
--------------
BUHO GRANDE RESORT
"Wow!"
"Ang Ganda!"
"Nasa paraiso na ba tayo?"
At samu't saring papuri ang lumabas sa mga labi nila, kahit ako at namangha sa magandang lugar na ito. Its a beach resort na makikita mo yung Bundok sa kabilang isla then very eco nature ng mga cottage. Ang hirap I describe pero masasabi Kong ito ang lugar na hinding hindi ko ulet palalampasing puntahan, at Hindi ako mag sasawang mag pabalik-balik dito.
Nandito kami para I celebrate ang pagkapanalo namin sa game at dahil sa nakita ni coach ang pagpupursigi naming manalo ay eto raw ang pinak reward nya sa amin. Kaya naman tuwang tuwa kami at napaykap kay coach.
"Waahh! Thanks coach.!"
Nagpunta na kami sa Cottage na tutuluyan namin matapos ibigay sa amin ang susi nito. At dahil puro girls kami ay isang room na lang ang kinuha ni coach Greg para sa amin. The Cottage is nice, actually its like a bahay kubo, a modern bahay kubo kasi naman pag pasok mo ay mabubungaran mo agad ang living room. May LED TV at DVD player din kaya pwede kang making at manood ng TV. tapos meron ding mini kitchen at mini refrigerator na puno ng laman like drinks in can, fruits and some stuff na pwede naming kainin if ever magutom kami at the meddle of the night, tanaw mo rin dito ang dagat dahil nakatapat ang window ng kitchen dito. Presko sa loob dahil pumapasok dito ang sariwa at malamig na hangin.
Nung nakapasok na kami sa kwarto ay mas lalo akong napahanga dahil Hindi mo aakalaing bahay kubo ang tinitirhan mo. Air-conditioning ang room at may sariling cr. Pero ang pinaka ikinatuwa naming ay ng mabuksan naming ang pintuan sa dulo ay isang napakalinis at napakalinaw na dagat ang bumungad sa amin. It looks like naka hang ang kubo sa dagat then may hagdan din para makababa ka dito.
"Wow!" bigkas naming lahat.
Inayos na namin ang gamit namin at nagpahinga na dahil ramdam na namin ang pagod na katawan sa haba ng binyahe namin, at syempre we need energy for tomorrow's activity. Good Night!. ^_^
Kinaumagahan..
"Ok guys are you ready for our first activity?" excited na tanong sa amin ni Sir Mathew ang mag lelead ng activity namin. At syempre mas excited kaming sumagot dito.
"Yes Sir!"
At ang first activity namin? yun ay mag boating at libutin ang mga nag gagandahang tanawin dito, pumasok din kami sa isang kweba na kung saan ay naghalong tubig dagat at tubig tabang ang madadatnan mo dito. At dahil water adventure kami ngayon ay nag scuba diving din kami. At marami pang iba.
After activity ay nag swimming na din kami, kulitan dito kulitan doon. Langoy langoy tapos beach volleyball pa. Pagdating ng gabi ay nag ayaya si Sir Greg na mag bonfire kami di kalauyan sa dagat. And as usual kwentuhan at kulitan nanaman, Pero this time ay may iba na kaming kasama nga dating estudyante ni Sir Greg sa past school na pinagtuturuan nya. Mga Volleyball Varsity Player din sila. They congratulate us at syempre they give us tips and inspirational thought. 11:45pm na rin ng magpaalam na kami sa isa't isa at nagtungo na sa cottage upang mag pahinga na.
"Haay grabe ang dami kong pagod sobra." saad ni Carla sabay hagis ng sarili nya sa kama.
"Yeah me too pero ok lang dahil super duper nag enjoy naman tayo." si Marie na nakahilata na rin sa kama at pipikit pikit na ang mata.
"Tama!" sabaysabay namang sabi nila Mitch, Sandy, Alexa at ng iba pa. Nahiga na rin ako na feel na feel ko ang malambot na kama. Maya-maya pa ay nakatulog na din kaming lahat.
3:06am ng magising ako. Nagtungo ako sa kitchen at uminom ng tubig. Naupo ako sa sofa habang iniisip ko ang napanaginipan ko kanina.
Isang taon, isang taon na ang nakalipas matapos ang lahat ng bangungot ko sa buhay, sa sa loob ng isang taong iyon ay nagawa kong mag pakatatag at ipinagpatuloy Kong mamuhay ng tahimik at maayos. At sa isang taong iyon ay tuluyan ko ng nakalimutan ang pangyayaring iyon kaya naman naguguluhan ako kung bakit bigla akong kinabahan sa na panaginipan ko, kung bakit parang pakiramdam ko ay naapektuhan parin ako sa kanya.
It was Coleen begging me to forgive her and asking for another chance. I shook my head then say that its alright, it was just a dream. Yeah a dream and it will never be happen. So I stood up and decided to walk at the sea bay.
It was cold, tahimik na tanging pag hampas Lang ng alon ang maririnig mo. Naupo ako sa buhanginan at hinayaan kong mabasa ng alon ang paa ko. Tahimik ko Lang pinag mamasdan ang dagat na tangin sikat ng buwan lamang ang nag bibigay ng liwanag dito. Tumingin ako sa langit at payapa kong pinag mamasdan ang mga nag kikunangang bituwin.
Haay napakasarap talag dito. masasabi kong ito yung perfect place para sa mga taong gustong mag relax at mga taong gusto ng kapayapaan kahit pansamantala Lang. Tatayo na sana ako para bumalik sa cottage dahil medyo tinatamaan na ulet ako ng antok ng biglang may sumulpot na tao nakatayo sa tabi ko na syang ikinagulat ko..
"Hi! Can I seat beside you?..."
BINABASA MO ANG
Ang Magandang Babae na Gwapo Pumorma
General FictionGirl, Boy, Bakla, Tomboy. Si Girl na isinilang na babae na may pusong lalake kaya nagpaka lalake pero nagpaka babae? huh? anyare?