Chapter 2

8 0 0
                                    

Natagpuan ko ang sarili ko sa rooftop ng isang building. At laking gulat ko nang makita ko si Zeus, duguan at nakahilata, parehong pareho sa guhit ni papa sa screen. Yung 13th episode. Dali dali akong tumakbo patungo sakanya.

"Zeus, gumising ka!" taranta kong sabi

Hindi siya kumikibo, wala siyang malay. Kapag nagtagal ito, maari siyang mawalan ng buhay.

Bumaba ako sa hagdan patungo sa kung saan,a at dinala naman ako ng aking mga paa sa kusina. Agad akong kumuha ng stick.

"May tao sa rooftop, pakitawagan ang ambulasnya" sigaw ko sa mga cook o kung sino man yung mga taong yun.

Dali dali akong bumalik paakyat ng rooftop kasama ang isang waiter.

"Maam anong nangyari?" tanong niya

"Hindi ko rin alam, may flashlight ka ba dyan?" tanong ko

"Opo meron" sagot niya

"Pakiilawan ito." sabi ko sabay turo sa baga ni Zeus

"Sigurado po ba kayo sa gagawin niyo? Alam niyo po ba maam?" tarantang tanong niya

"Isa akong doctor" tugon ko

Pero sa sarili ko, hindi ko talaga kaya. Hindi pa ako nakakapag opera ng isang pasyente, pero hindi naman pwedeng pabayaan kong mamatay si Zeus.

Walang pag kukubli kong tinusok ang stick sa baga ni Zeus.

Biglang dumating ang mga doctor, ang mga pulis at mga hindi kilalang personalidad.

"Miss, excuse me"
"Makikiraan po, kukunin na namin siya"

Wala akong ibang nagawa kundi ang umupo sa isang tabi habang pinapanood sila na nagkakagulo.

"Miss, ikaw yung gumamot sa pasyente? Buti nalang naagapan mo, maaring maging komplikado kapag hindi mo agad siya natulungan" ani ng lalaking lumapit sakin

"Ah, salamat mo." tugon ko

"Maari ka bang mahingan ng pahayag ng mga pulis?" tanong niya

"Opo, okay lang" tugon ko

"Boss, si President Zeus po pala yun!" tarantang sabi ng isa pang lalaking kararating lang

"Ano? Bat ngayon niyo lang sinabi? Lagot tayo ngayon!"

"Ah, miss. Kunin ko nalang yung calling card mo at pangalan pwede?" tanong niya

"Lois Ellise Yap po, eto po yung calling card ko" sabi ko sabay bigay ng card ko na galing pa sa ospital na pinagtratrabauhan ko

"Dapat nakita ni Professor kung paano ko niligtas si Zeus kanina, Ha! Panigurado ako, bibilib yun sakin" pabulong kong sabi

Saka ko lang napagtanto kung paano ako napunta dito. Pano nga ba? ang alam ko lang may humi---- haaa?!! May humilabl sa akin papasok dito sa webtoon. Pano nangyari yun? Paano ako makakalanas dito ngayon? Haytsssss.

(Krik krik krik)

May narinig along kaluskos sa kabilang direksyon, napatingin ako doon ng hindi makapaniwala sa nakikita. May isang lapis any kusang gumuguhit ng mga katagang TO BE CONTINUED. At sa isang iglap, dinala muli ako sa realidad.

(Door opens)

"Lois, natawagan ko na any pulis. Hindi pa daw maaring ideclare na nawawala kasi wala bang 24 oras" aniya

Hindi ko naintindihan ang mga pinagsasabi ni Miguel, dahil hindi parin maproseso ng utak ko kung anong nangyari. Dali dali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng silid.

Two worlds, One heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon