Luminga linga ako para malaman kung nasaan ako. Agad kong naalala ang mga sinabi ni Miguel, kung balak patayin ni papa si Zeus sa pamamagitan ng lason kailangan ko siyang maligtas. Pero nasaan siya? Napalingon ako sa Tv sa likuran ko.
Kasalukuyan ang pagpapahinga ngayon ni President Zeus Chan sa Woobin General Hospital matapos ang insidente 2 araw na ang nakararaan...
Hindi ko na tinapos ang palabas agad akong tumakbo para pumara ng taxi.
"Kuya sa may Woobinh Hospital po" sabi ko sa driver
"Niloloko mo ba ako miss? Andito nga tayo sa Woobin Hospital e" sambit niya
"Ha?" sabi ko tapos lumingon sa paligid. Aish! Napaka ano ko talaga
"Pasensya na po" paumanhin ko
Tumakbo ako papunta sa loob, papunta sa counter.
"Excuse me, saan ang room ni Zeus Chan?" tanong ko sa isang nurse
"Ah, miss nasa may 20th floor po. Kaano ano niyo po?" tanong niya
Hindi ko na siya sinagot, tinungo ko ang elevator at pinindot ang 20th floor. Pagkarating ko doon may mga body guards na nakabantay. Aish! Pano.ako makakapasok? Bahala na. Mabilis akong tumakbo at binuksan ang pintuan.
"Miss, bawal kang pumasok"
"Bawal ka sa loob"Ngunit huli na ang lahat nakapasok na ako at agad kong nakita ang nurse na may tinutusok na kung ano kay Zeus, mabilis akong lumapit sakanya at tinulak siya. Nagulat silang lahat pati si Zeus.
"Okay ka lang ba?" tanong ko
Hindi siya umimik
"Hindi antibiotics ang ituturok nila sayo Zeus, Potassium to. Maari ka nitong mapatay!" paliwanag ko
Biglang tumunog ang pintuan, tumakbo palayo ang nurse. Kumaripas sa takbo ang mga body guards niya para hulihin ang ito.
"Paano mo nalaman yon?" tanong ni Zeus
Napalingon ako sakanya, hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Ah, wala. Napadaan lang ako tapos mukhang kakaiba yung kilos ng.nurse kaya sinundan ko siya" paliwanag ko
"Yun din ba ang dahilan nung niligtas mo ako sa rooftop?" tanong niya
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano ako lulusot.
"Ikaw si Lois Ellise Yap, hindi ba? Bakit bigla kang nawala?" tanong niya
"Ah e ano kasi. Busy ako, oo. Diba may calling card naman ako? Di niyo ako tinawagan" palusot ko
Tinignan niya ako na parang nananantya sa mga sagot ko.
"Peke ang binigay mong calling card, peke rin ang pangalan mo. Sino ka ba?"
Hindi ako umimik.
"Pinaghahanap ka ng mga pulis. Hindi ka tumupad sa usapang makikipag usap ka sa kanila kaya ikaw ngayon ang tumatayong suspect sa pagsaksak sakin" paliwanag niya
"Ano?! Pano nangyari yun? Ikaw, diba alam mo yung totoo? Hindi kita sinaksak diba? Tulungan moko, sabihin mo sakanila." pagmamakaawa ko
"Tutulungan kita kapag sinabi mo sakin kung sino ka talaga" sambit niya
"Hindi pwede" ani ko
"Pasensya na pero wala rin akong magagawa, parating na ang mga pulis" sambit niya
"Sasabihin ko sayo lahat, basta tulungan mo lang akong makalabas ng ospital na to ngayon" sabi ko
Tinignan niya ako. Saka tinawag ang mga body guards niya.
"Tiyakin niyong makakalabas siya ng ligtas sa ospital na to" utos niya
"Opo President" sambit nila
Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Kunin mo itong telepono, tatawagan kita kung kelan tayo mag kikita." sabi niya sabay abot ng telepono saakin
"Salamat!" sambit ko sabay kuha sa telepono.
Umalis kami kaagad ng mga body guards niya pagkatapos non.
Nang makalabas na ako, nagtungo ako sa may bus station. Aish, eto na. Paano ako makakauwi ngayon? Tinignan ko ang aking relo. 3:50 na ng hapon. Hayys. Dito nalang siguro muna ako, baka kusang maglaho ang sarili ko dito at ibalik ako sa realidad.
1 oras na ang lumipas pero andito parin ako. Tinignan kong muli ang aking relo at laking gulat ko dahil sobrang bilis ng takbo nito. Prang finast forward yung oras. Habang abala ako sa pagtingin sa relo ko, may isang kotse na huminto sa tapat ko.
"Andito ka lang pala" ani nito
Tumingala ako para tignan kung sino ito
"Zeus?" bulalas ko
"Long time no see, kamusta na?" tanong niya
"Ha? Ah, okay lang. Okay ka na? Nakalabas ka na ng ospital? Parang ang bilis naman." sambit ko
"Oo, okay na ako. Mabilis na pala sayo yung 2 buwan?" tanong niya
"Anoo?! 2 buwan na ang lumipas?" sambit ko
"Oo, at naalala mo yung sabi mo. Sasabibin mo sakin lahat bastat tulungan kitang makalabas dito. At sa tingi ko ngayon na yung tamang panahon, halika na. Sakay na" aniya
"Ha? Ah" hindi na ako nakaimik pa. Pumasok na ako sa kotse niya at mabilis niya itong pinatakbo.
"Napansin ko lang, yan din yung suot mong damit nung huli tayong magkita" sabi niya
"Ah, ano kasi eto? Paborito ko kasi to" palusot ko
Paano naman ako magpapalit hindi pa nga ako nakakauwi sa mundo namin.
Agad niyang liniko ang sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko
"Palitan muna natin yang suot mo, tagatak na yang pawis mo e." sabi niya
Naka sweter pa pala ako, paano ba naman kase tag ulan saamin ngayon tapos dito tag init. Hays.
"Magandang Umaga President Zeus" ani ng saleslady na nasa counter
"Magandang umaga Cherry" pagtugon naman ni Zeus
"Ano pong kailangan niyo at napadako kayo dito?" tanong muli ng babae
"Ayusan mo siya" sabi niya sabay turo saakin
"Kukunin ko lahat ng babagay sakanya, kayo na ang bahala" dagdag niya pagkatapos ay naupo na sa silya.
Pumasok ako sa may fitting room suot ang pang sampung damit. Kailangan ko nang makauwi, pero paano? Isip Loise, isip. Aha! Kailangan may mangyaring ka abang abang o di kaya surprise emotion. Alam niyo yun? Yung biglang mag iiba yung emosyon mo tapos ano ah basta! Ngayon, ano namang gagawin ko para masurpresa siya? O dikaya yung kaabang abang. Ganun kase ang nangyayari sa mga teleserye, hayts.
Lumabas ako fitting room at naglakad diretso papunta kay Zeus.
Pakkk!
"Aray! Para saan yun?" tanong niya
Ano na? Ano na? Bat wala padin nangyayari? Hindi ba effective?
"Binilhan kita ng mga damit tapos sasampalin moko? Yun ba ang paraan mo ng pasasalamat?" tanong niya muli
"Ah, ano eh. Ano kasi" taranta kong sabi
"Ano?" tanong niya
Wala na akong ibang maisip, siguro naman eepekto nato. Hayts, bahala na.
Naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Dios ko! Ginawa ko ba talaga to? Anong kabaliwan ba to?! Haysss.