(Phone Ringssss)
Loise POV
"Mike, phone mo ba yun? Sagutin mo, baka importante"
"Baka sayo" tamad niyang tugon
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinanap ang aking cellphone.
"Hindi nga sabi sakin, sayo yun" tamad ko ring sabi
Bumangon siya mula sa kama at tinignan saglit kung sino ba ito.
"Halla, si Professor" taranta niyang tugon
"Hello sir, pasensya na po. Naka idlip lang saglit. Opo, kasama ko po."
Ibinaba na niya ang telepono at tumingin sa direksyon ko.
"Hinahanap ka niya, naka ilang tawag na daw siya sayo" sabi niya.
"Ano?!!!"
Dali dali kong kinuha ang telepono ko at natagpuang naka 20 missed calls nga si Professor. Patay ako nito!
Patakbo akong lumabas ng quarter namin para hanapin si Professor.
Ako nga pala si Loise Ellise Yap, isa akong Doctor pati si Mike. Night ship ako kaya laking pagtataka ko kung bakit ako hinahanap ni Professor gayong tapos naman na ang duty ko. HA! Baka papayagan na niya akong makapag perform ng operation. Yes!
(Door Opens)
"Professor, hinahanap niyo raw po ako?" bungad ko matapos makapasok sa opisino ng Professor ko.
"Oo, at bakit ngayon ka lang?" pasigaw niyang sabi
"Sir, pasensya na, nakatulog po kasi ako, alam niyo naman na sir night ship, e kapag ganun talagang kailangan mo ng tulog kasi nga pu==="
"Hindi ko kailangan ng explanation!! Ang kailangan ko ay ito" sagot niya, sabay pakita saakin ng mga comic books.
"Ano po?, anong ibig niyong sabihin?" tanong ko
"Narinig ko, anak ka pala ni Samuel Yap, ang author ng librong ito?"
"Ah, opo. Tatay ko po ang may akda ng storyang yan" pagtugon ko
"Tignan mo nga naman oo, ang husay ng ama mo samantalang ikaw..... Hayyy nako. Anyway, kaya kita pinatawag kasi isa ako sa mga tagahanga at tagasubaybay ng storyang ito na gawa ng tatay mo, pero hanggang ngayon, hindi niya pa natatapos, sabik na sabik na akong malaman kung sino talaga yung killer na pumatay sa pamilya ni Zeus Chan." paliwanag niya
"Ako nga rin po e"
"Gayunpaman, bilang anak ka naman ng direktor nito, maari mo bang tanungin sakanya?" ani niya
"Ah, ano po? Ay, panigurado po hindi niya ako pagbibigyan." paliwanag ko
"Sige, ganito nalang. Kapag nagawa mong tanungin kung sino yung killer sa storyang ito, papayagan kitang magtake overng isang operation sa isang pasyente" paliwanag niya
"Talaga po? Pero"
"Ikaw ang bahala, wag mong palampasin ang pagkakataon" ani niya
"Susubukan ko po" tugon ko
"Wag mong subukan!!! Gawin mo!!" pasigaw niyang sabi
"Opo, Opo gagawin ko!" pagtugon ko, sabay talikod papunta sa pintuan.
Pagkalabas ko ng opisina, agad kong hinanap ang numero ng aking ama.
(Phone ringing)
Nakailang dial na ako pero wala paring tugon galing sa kabilang linya, kaya naisipan kong tawagan si Miguel isa sa tauhan ni papa sa pagbuo ng kwento patungkol kay Zeus Chan.
(Phone answered)
"Hello Miguel?" pagbungad ko
"Hello Lois, napatawag ka?" tanong niya sa kabilang linya
"Anjan ba si papa?"
"Ayun na nga Lois, nawawala ang papa mo"
"Ha? Paanong mawawala?" tanong ko
"Yun na nga rin, hindi namin alam"
"Ha? E di ba naka bantay lang kayo sa tapat ng opisina niya?" tanong ko
"Oo nga, hindi sya lumabas ng opisina niya Lois, pero wala siya sa loob" tugon niya
"Antayin moko dyan, papunta nako" sabay patay ko sa tawag
Dali dali akong pumara ng taxi papunta sa bahay ni papa.
(Door opens)
"Miguel?!"
"Lois, buti dumating ka na" pabungad niya
"Nasaan si papa, ano yung sinasabi mong nawawala siya?"
"Hindi ko alam pero bigla nalang siyang nawala" tugon niya
Dali dali akong nagtungo sa opisina niya ngunit wala akong naabutan. Tanging ang screen lang ng guhit niya ang nandoon.
"Ano bang nangyari?"
"Ganito kasi yun, tinanong ko siya kung gusto niya bang ipagtimpla ko siya ng kape, mga alas nuebe yun ng gabi, sumang ayon naman siya pero sabi niya ihain ko sakanya ng alas diyes, tapos pagbalik ko ng saktong oras na yun, wala na siya. Lois, anong gagawin natin?"
"Hindi ko rin alam" tugon ko
"Ano kaya kung ireport na natin sa pulis?" suhestyon niya
"Sige, mabuting ideya nga yan"
Lumabas si Miguel sa opisina para tawagan ang pulis, habang ako naiwan sa silid.
Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Puro mga dokumenta at mga papeles ang nakalatag. Nadako ang paningin ko sa screen kung saan gumuguhit si papa ng mga pangyayari sa kwentong ginagawa niya.
(13th episode of W)
Hanggang ngayon, hindi parin natatapos ni papa ang kwento ni Zeus Chan. 13th episode na ito ngayon, at batay sa naka drawing sa screen, inatake na naman ng killer si Zeus kaya ito duguan ngayon. Yun yung nakaguhit sa screen ngayon. Ang kwentong W, ay pinagbibidahan ni Zeus Chan, isang magaling na mamamaril. Ngunit sa kasamaang palad, matapos ang kanyang pagkapanalo, pinatay lahat ang miyembro ng kanyang pamilya at ang masaklap siya ang kinikilalang suspect sa krimen. Pinaniwalaan ng mga tao na siya ang pumatay sa sarili niyang pamilya, sa kadahilanang wala siya noong naganap ang insidente. Nabilanggo siya ng mahigit 2 taon, napalaya dahil walang sapat na ebidensya. Tinangkang patayin nito ang sarili sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay, ngunit nanaig sa kanyang puso't isip ang mithiing mahanap ang tunay na pumatay sa kanyang pamilya. Nagpursigi siya sa pagtratrabaho at ngayon ay isa na sa kinikilalang pinakamayaman sa mundo ng negosyo.
Nagulat ako sa pagkahulog ng tasa sa sahig, agad ko itong pinulot ngunit pagkatyo ko para akong hinihila ng isang kamay. Dahan dahan akong lumingon at hindi ako nagkamali, hinihila nga ako ng isang kamay na galing sa monitor kung saan naka ukit ang katawan ni Zeus, at sa isang iglap bigla akong naglaho. Hindi ko alam kung paano, wala akong makita. Saan ako patungo?