Eighth Chapter

263 2 0
                                    

Chapter 8 *Abnormal day for abnormal characters XD*

LORIEL’S POV

“EEENNGGG!! MALE! *uhm!”

“Ouch! That one really hurts!” –Quiel na himas himas yung pulang pula niyang noo.

“Huh! Hindi yan sasakit kung nagreview ka! At saka hindi ba’t sabi ko wag mo akong ma-english English dahil nasa Pilipinas tayo!”

“Oo na! Eh, sa masakit naman talaga eh! Kita mong namumula na yung noo ko.”

“Kulang pa yan boy! Kung nireview mo sana yung reviewer kong binigay sayo edi hindi sana mamumula yang noo mo!” sabay dutdot ko pa sa noo niya

“Aray! Sabing masakit na eh! At pagod ako kahapon kaya wala na akong panahon para reviewhin yan!” sabay tapik sa kamay ko at haltak sa papel kong hawak

“So kasalanan ko pa ngayong kung bakit pagod ka?! Huh! Buti pa yung bag mo nag-review!”

Kung nagtataka kayo, nandito lang naman kami sa gym. Kasalukuyang nagrereview para sa periodical exam namin next week. Humiram lang ako ng libro sa Library dahil pag doon kami mag-rereview paniguradong babalibagin kami ng librarian ng libro sa ingay naming dalawa(kita niyo naman kung pano kami mag-review diba?). Masungit pa naman yung Librarian naming ngayon. Mabuti nga at napilit ko pa itong mag-review eh dahil kung aayaw siya, lalo ko pang pamamagain yung noo niya sa pitik ko sa bawat mali niyang sagot.

“Oo kasalanan mo! Kung di kasi nainjure yung kamay ko edi sana hindi ako nagpa-overtime sa pag-practice kahapon!” kasalanan ko nga =___=

“Heh! So dapat magpasalamat at magsorry pa ako sa pagligtas mo sakin, ganun?! Ginamot ko naman yang kamay mo noh!”

“Ikaw ang may sabi niyan. Saka sinabi nang hindi kita niligtas eh! Asa ka naman! Nagkataon lang na napadaan ako don. So tinulungan ko lang yung dambong yun kasi kawawa naman at baka mabasag ang eardrums sa kaingayan ng bibig mo!” kapal ah? Indenial ka lang! =___=

“Wow naman! At talagang sa hinayupak na dambong yun ka pa naawa ha?! Engot!”

“Hoy sinong engot ha?” ang daldal pala talaga nito pag nagtatagalog =___=

“Ikaw, bingi lang?! tss. Di mo nga masagot yung simpleng tanong ko sayo sa Math eh.” binulong ko na lang yung huli

“Ano kamo?!” highblood naman neto.

“’Tamo! Bingi ka nga! Patingin ka na sa veterinarian baka sakaling maagapan. Tss, engot talaga.”

“Abnormal! Do I look like an animal para sa vet ako magpatingin? Ikaw ang engot jan eh.” –Quiel

“Ow ganun ba? Akala ko hayop ka din eh =_=”

“What the? Sheesh! Why the hell am I wasting my time with this stupid creature beside me! Tsk!”-Quiel

“Tangengot ka kasi” bulong ko

“Hay! Bakit hindi ka na lang manahimik jan sa kadadada at magsimulang magtanong na lang ulit nang matapos na tayo kaagad?!”

“Eto na nga oh! Excited?!” sabay hanap ko na lang ulit ng tanong sa Libro

.

.

.

“Oh eto, who is the founder of Trigonometry? Madali  na yan ha, baka naman mag-isip ka pa ng matagal”

“Teka, alam ko yan eh, wait lang..” sus! Manghuhula lang to eh =__=

“Ano nga ba yun, ah.. wait, Ha..ha.. Hindi He- ba yun? Teka, He- he- Hep.. Hepa?” –Quiel

It Begins With A Dare(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon