Chapter 5.1 *Senior Trip*
GOODMORNING SUNSHINE! RISE AND SHINE BEYBE! XD
Ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ay ng Seniors lang pala, SENIOR TRIP na!! Tama, pinayagan ako! Party party!!
Six thirty ang assembly namin dito sa car park para sumakay ng bus. And I think matatagalan pa>_____<
"The eff! VIP much?!" buryong sabi ni Sam
"Yeah. Di lang tayo ang napeperwisyo pati na din yung driver. 20 minutes before 7o'clock na oh!" nakakapika naman kasi.
"Oh gosh! I'm sorry for waiting you all guys" malantod na sabi ni Althea habang grumand entrance pa, siya lang at walang iba! Kala mong kay importante para hintayin kung ako yung driver iniwan ko na yan eh.
May mga nagbulungan at sinabeng "Hay salamat!" "Buti naman anjan na siya" "Pa-vip naman!" ang mga nadidinig ko sa bulungan. Maski yung teachers nainis din.
"Panty mo ba naiwan mo?" natawa kami ni Sam sa tanong ni Cheska
"What?!"
"Ah, kala ko pati panty mo naiwan sa kakuparan mo eh. Tss! Di ka na dapat hinihintay eh, no pets allowed pa naman don" saka tinalikuran na ni Ches si Althea..
"Gross! Whatever freak!" sigaw pa nya, hambalos ko pa sakanya yung takong niya eh!
Sumakay na kami ng bus na sinabi samin. Two sections ang mag-share sa isang bus kaya kasama ko yung dalawa.
"Yow! Magkaka-bus pala tayo!" bati samin ni Ced. Pinagsama pala ang boys and girls. Magkahiwalay kasi ng section ang boys and girls eh. Pauso ng principal =_____=
"Wazzup yo! Oo nga noh! Yiii, exciting! Hi guys! Goodmorning!" kakaiba din babati ng goodmorning si Sam eh
"Goodmorning girls!" Kent, Ced, Lance.. Huh? Nasan si Antukin?
"Eh, si Quiel ba hanap mo? Ayieee!" sira talaga nitong si Ced
"Sira. Pero bakit wala siya?" imposible namang wala siya kasi required na kailangan sumama ang lahat sa activity na to.
"Ayun oh!" nginuso ni Kent "Siyempre si Mr. Tulog yan kaya dun siya sa dulo para walang istorbo"
Nandun nga sa bandang likod. Nakasandal ang ulo sa sandalan malamang tulog tapos nakaheadset.
"Ay, Cheska tabi tayo!" hinatak na ni Sam si Ches paupo sa harap ng row ni Sunget
"Okay, tara dun na tayo" walang buhay nyang sagot. Inaantok pa kasi siya eh.
"Ehh.. Ehh.. teka pano ako?" malamang naman kasi ako na lang ang namumukod tanging nakatayo
"Dun ka oh!" tinuro ni Sam yung katabing upuan ni Sunget, yun na lang yung vacant seat eh
Bago ako makapagprotesta, nagsalita na yung teacher namin na aalis na daw. Kaya no choice ako at walang panahon mag-inarte, naupo na lang ako dun.
Naalimpungatan siya nung tumabi ako. Tumingin lang siya sakin saka pumikit lang uli. As usual may mga echoserang froglets akong nadidinig na kesyo tumabi nanaman daw ako sa Campus Prince ek ek nila. Buset! Saksak ko sila sa tagiliran ng sinasamba nilang ubod ng sungit eh! Kala mo namang may contagious disease ako! >_____<
Kinuha ko na lang yung earphones ko sa bag at sinalpak sa tenga ko, makikinig na lang ako ng music. Kesa naman ang chismisan ng magagaling kong batch mates ko ang pakinggan ko diba. Mabuburyo ka lang.
ZZzzzzzzz...
--------
* click! click! click!
BINABASA MO ANG
It Begins With A Dare(On-Going)
Fiksi RemajaA typical girl who has a happy go lucky personality. A mysterious guy with an unpredictable attitude. In this world, no one can predict who is your destiny. No one can fortell, whether he or she may be the one. But in this ironic world, you will be...