Fourteenth Chapter

110 2 1
                                    

Chapter 14 *School Fair*

"Meeting is now adjourned. The council had decided to move the next case next week for the presence of the said victim." seryosong pinukpok ni Cheska yung table matapos niyang sabihin yan.

"I, second emotion, Miss Presiding officer." sang ayon ko naman.

*seconds past*

"ARAY KO NAMAN!" sigaw ko

"OUCH! MASAKIT YUN AH!" mas malakas na sigaw ni Cheska. Yeah right, lumalakas na din ang sigaw ng babaeng 'to (==,)

"EH KASI NAMAN KAYO EH! NASA KORTE BA TAYO KUNG MAKAPAGSALITA KAYONG DALAWA!! MANAHIMIK KAYA KAYO AT TULUNGAN NIYO SA PROBLEMA ANG DIYOSANG NIYONG KAIBIGAN!" Sigaw ng kakambal ng megaphone na si Sam

Sam(,>

"Eh ano naman ba kasing mahirap sa makipagkita sakanya bukas? Ay nako. 'Wag mo kaming artehan Samantha at ipapalo ko sa ulo mo 'tong hawak kong libro." Sabi ko sakanya dahilan para mag make face siya lalo

"Karma yan sa pang-aasar mo samin parati. Tsk!" -Cheska

Nasa gym kami ngayon, wala pa yung boys kasi maaga kaming pinag break ng teacher namin sa last period namin. Hanggang ngayon pinoproblema pa rin ni Sam yung pakikipagkita nya dun sa Stalker101 kuno niya. Tinetext daw siya nito everyday. Pinakita pa nga nya samin yung mga text. Nothing bad, in fact puro pangangamusta lang yung text niya kay Sam. At hanggang ngayon wala pa rin kaming idea ni Cheska kung sino yung misteryosong lalaki na 'yun. Tinatanong namin si Sam kung anong itsura o kaya pakita ng picture kaso ayaw ipakita at sayang daw sa memory ng phone niya kung magsasave siya ng picture nito. Bruhilda talaga.

Naalala ko nung isang araw habang pinababasa niya sakin yung mga text nung Stalker101 na 'yun. May isang text dun na ipinagtaka ko talaga. Nagsorry siya at humihingi ng pasensya. Aba malay ko ba. Tinanong ko si Sam kung para saan 'yun. Sabi niya lang dahil siguro sa pangungulit nung lalaki sa text. Napaisip tuloy ako na baka may past relationship sila nung lalaking yun. Ayoko namang tanungin si Sam at baka maghisterikal nanaman yun. Tsk -___________-

"Hindi ako kakarmahin noh. Excuse me, wala akong ginagawang masama. Eh kasi naman kung hindi mo sana nireplyan Loriel 'yun edi sana hindi ako mamomroblema ng ganito." At ako pa sinisi ng luka =_=

"Hahaha! Ano ba Sam, ako naman ang nagdecide saka kasama mo kami ni Cheska 'pag nakipagkita ka don. Hindi naman siguro mukhang kriminal 'yun, hindi ba? Gusto ko din kasi makita kung anong klaseng tao ba siya at head over heels sa isang takas sa mental na tulad mo."

"Che! Walang gusto sakin 'yun. Siya na nagsabi sakin kaya wag ng mag-assu
me, ok?" -Sam

"Wushuuuuu! sinabi niya sa'yo? Talaga lang ah? Eh bakit text nang text sayo? Gusto pang makipagkita sayo? Ikaw Sam 'wag mo kaming linlangin. May past kayo nun no?" Sunod-sunod na tanong ni Cheska

"WALA NOH! Tsk."

"EH BAKIT NGA KASI AYAW MO?"  Sabay naming tanong ni Cheska

"Fine! Wala kaming past nun. Like duh~ He's my.. ugh, yeah my childhood friend. Childhood friend lang! Nothing special." Plain na sagot ni Sam. 'Yun! Edi sinabi niya din. Dami pa kasing pasakalye eh.

"Childhood friend or childhood sweetheart?" Luka-luka talaga 'tong si Cheska. Gumaganti talaga. Hahaha!

"Baliw! Childhood friend nga."

"Oh, childhood friend lang pala eh. why bother? Hello, ang sarap kaya balikan ng mga moments mo nung bata ka pa kasama ang childhood friend mo. Tapos ikaw, ayaw mo?"

"Hindi naman sa ganun, pero kasi, sabihin na lang natin na mahirap ng ibalik yung dati."

"Huh? Samantha, minsan talaga ang labo mo. Kung meron man kayong hindi pagkakaintindihan ng childhood friend mo na 'yun dati, leave them in the past and forget it. Look for the brighter side. Malay mo it's your chance to reconcile." Seryosong sabi ni Cheska

It Begins With A Dare(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon