Lumaking binubogbog ng mga magulang si izzabelle or iza iyon ang tawag ng iilang kaibigan nya sa kanya.Hindi naging masaya ang kabataan nya , hindi naging normal kagaya ng ibang bata. Sa kanyang pagdadalaga ay nagpatuloy ang hindi normal na buhay , school at bahay lang ang kanyang nakagisnan . Naging strikto ang magulang niya hindi pwedeng makipagkaibigan sa lalaki , bakla at tomboy kaya naging dahilan ito ng kunti na kaibigan. Sa kabila ng lahat naging malakas ,matulungin at mapagmahal sa pamilya si iza.
Ang pamilya ang naging lakas niya, sila ang naging inspirasyon niya para mangarap at tumulong sa magulang. Hindi man siya nagawang mapag aral sa kolehiyo sinikap ni iza na magtrabaho at tumulong, lahat ay ginagawa nya para sa pamilya kahit halos wala ng matira sa kanya. Kaya niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan.
Kahit naging mahigpit ang kanyang mga magulang naging masigla at palangiting bata si iza ,hindi man lubos ang kasiyahan pinipilit nayang tumawa. Ginusto ni iza na mag maynila pagkatapos mag aral ng high school sa kanilang probensya sa bicol pero tumutol ang kanyang mga magulang . Mabubuntis kalang at babalik ka dito na talunan wika ng kanyang ama.
Ang sakit ,parang pinatay na ako ng aking ama,sila na lakas ko ang mismong walang tiwala sakin. Iniyakan ko ang sinabi ng aking ama,kung sabagay sanay na ako na gabi gabing umiiyak ng dahil sa masasakit na salita, namanhid na ang puso ko.Paulit ulit ganun ang naging ikot ng buhay ko, hindi pa man ako ngmamahal ng lalaki eh sobra na akong na broken hearted.
Isa ang sigurado kapag nagmahal ako ay tapat at walang kapantay. Hmmp kelan kaya kita makikilala prince charming?? Ilusyon!!! Ito ang kaligayahan ko.
BINABASA MO ANG
a lonely heart
AcakSi Izzabelle ay babaeng puno ng kalungkutan , Isang babae na kaligayahan lang ang hanap. pangarap na makatagpo ng isang prince charming. Nagmahal sa isang dayuhan at nasawi, at hanggang ngayon ay naghihintay pa din ng pagmamahal