PAGTAPON
Pagkatapos nilang gawin ang lahat sa aking pagkatao ay kanila akong itinapon sa isang lugar na Hindi pamilyar.
Isinilid nila ako sa isang sako habang duguan sa ilang saksak na aking natamo sa mag ina ng aking tiyuhin.
Minarkahan ang aking muka ng isang markang pang habang buhay Kong dadalhin, ang markang syang mag papaalala ng lahat ng sakripisyo at kahayupang ginawa nila sa akin.
Hayaan nyong aking I kwento ang lahat.
Habang ako ay nakagapos nung mga gabing iyun, ang aking tiyahin ang syang nag Marka sa aking muka ng isang bilog na may ekis na hinulma nya sa alambre.
Kanya itong pinainit sa nag babagang apoy at kanyang itinutok sa gilid sa ibaba ng aking kanang mata, wala akong magawa, hindi ako makalaban Manlang sapagkat dalawang lalaki ang syang humahawak sa akin ng mahigpit.
Sa bawat pag iwas ko, sampal at sabunot naman ang aking natatamo kay lavinia.
Balik tayo......
Nung itinapon nila ako, hindi maipag kakaila na ako'y humihinga pa ngunit Hindi na gaya ng normal na pag hinga, unti unti humihina kasabay narin siguro ng mga saksak at iba pa na aking natamo.
Kung inyong tititigan ang aking katawan...
Pikit na ang kanang mata ko, ang kaliwa nama'y may Marka ng isang suntok na galing sa isa sa mga lalaking bumaboy sa aking pagkatao at mga namuong dugo sa loob Nito.
May sugat ang mga labi dahil sa busal na pagka higpit higpit.
Sunog ang aking mga daliri dahil sa kumukulong mantika na kanilang ibinububos sa bawat oras na sila ay naiinis sa aking pag mumuka.
At marami pang iba.
Hindi nagtagal ako ay tuluyan ng nahimbing, hindi kona alintana ang susunod na mangyayari basta ang pakiramdam ko ay punong puno ako ng galit sa aking dibdib.
Pag babayarin ko kayo sa mga ginawa nyo sa akin!
Pero pano? Magiging isa na ako sa mga kakaluwang ligaw na humahanap ng hustisya.
——————————————
2 years later.....
Lavinia's POV:
Unang araw ko sa klase! Ako Kay labing siyam na taong gulang na. 3rd year college na ako sa isang unibersidad sa manila.
Simula kasi nung mga ginawa namin sa aking pinsan nasi Riza kami ay lumipat na sapagkat kung ano-anong kamalasan nadin ang dumating sa aming pamilya.
Namatay ang nanay ko makalipas ang ilang buwan bago namin napatay si Riza, oo inaamin ko galit at inggit ang nagudyok sa akin para gawin ang mga bagay na iyun sa aking pinsan.
Namatay ang nanay ko sa walang malamang dahilan, nakita nalang namin sya isang araw sa gubat kung saan dilat ang dalawang mata nya na parang takot na takot.
Sabagay sa isang buwan naman na iyun halatang parang lagi syang balisa at takot na takot ni Hindi na nga makakain dahil lagi syang tulala at minsan tuwing gabi napapatingin nalang sya sa labas ng aming bahay at may ituturo sa abandonang bahay kung San naganap ang pagpatay Kay Riza.
Tila kanya itong nakikita, natatakot din naman ako sa pedeng mangyari sa akin kayat pinilit ko ang aking ama na dumito nalang sa maynila kami manirahan.
Dahil nadin sa kahirapan, kami ay tumira sa isang squatter area.
Dito ko naranasan kung paano mabastos, dito ko naranasan na may mang api sa akin at sa aking ama.
Pag hindi nakakabayad ng renta ng bahay eh kami'y napapagsalitaan ng Hindi maganda at minsan pa'y napapalayas pero nadadaan naman sa pakiusap ngunit may oras at konting panahon lamang ang nabibigay para kami'y makahanap ng ipang babayad.
Balik tayo...
Unang araw ko sa klase ng dahil ako ay mahirap lamang dito ko naranasan ang mabully.
Ngayon alam kona ang pakiramdam ng mapagkaisahan.
Babatuhin ka ng libro bigla bigla, hahampasin ka ng naka roll na papel, babatuhin ka ng lapis at kung ano ano pa, itatago ang bag mo, gagawin kang utusan at alila.
Hindi ko naman magawang gumanti sapagkat kanila akong bubugbuging muli.
Nakakaiyak ang situwasyon ko! Eto na nga ba ang sinasabi nilang karma?
Natatandaan kopa nung 2nd year college ako kanila akong piniringan at dinala sa parteng likuran ng aming paaralan.
Sipa, suntok, sampal at tadyak ang aking natamo. Hindi ko alam kung sino sila, basta hapdi sa katawan lamang ang aking nararamdaman.
Pag ako'y umuuwi sa bahay aking nadadatnan ang aking ama na lango palagi sa alak.
Wala naman akong magawa kundi hayaan lang sya kung San sya masaya.
2nd day of school meron kaming bagong ka klase na ikinagulat ko sapagkat kahawig nya ang aking pinsan na aming napatay 2years ago.
Hindi maikakaila na may taglay syang kagandahan na gaya sa Kay Riza.
Ayokong maniwala ngunit parang siya talaga ang babaeng iyun? Patay na sya pero parang bumabalik lahat ng galit sa aking dibdib ng makita ko ang kanyang pag mumuka.
Nag pakilala sya sa aming harapan...
"Magandang umaga sa inyong lahat, ako nga pala si Thea Buenaventura"
Thea? Pangalan palang masarap ng pahirapan.
Ayoko man gawin ulit ang mga pag kakamaling iyun Nakakaramdam ako ng inis pag nakikita ko talaga ang pag mumuka nya? Bakit?
Tumabi sya malapit sa upuan ko. Tinignan nya ko saglit na nakapukaw ng aking atensyon!
Agad naman din yang ibinaling ito sa harapan..
Natapos ang buong klase ng walang imikan dahil ayoko naman syang imikin sapagkat nakakainis ang kanyang pag mumuka na nag papaalala sa akin ng muka ni Riza.
To be continued..........
BINABASA MO ANG
RAPE (On-going)
Mystery / ThrillerSi Riza Alcantara, ang dalagang pinagkaitan ng kalayaan. Ang dalagang tinuring na parang hayop ng sariling pamilya. Ang dalagang binaboy at inalipusta ng isang pamilya at limang lalaki. Hanggang kelan kaya siya maghihirap? Kung iyo itong babasahin...