Chapter 4

1.7K 14 0
                                    

SINO SYA?

Lavinia's POV:

pumasok ako ng maaga dahil nadin siguro ayoko magtagal sa bahay kasama ang tatay ko.

Oo mahal na mahal ako ng tatay ko na kahit ano gagawin para lamang mapagbigyan ang gusto ko.

Nung pumasok ako sa loob ng aming silid aralan mangilan ngilan palang ang mga estudyanteng nandito, may mga kaibigan din naman ako kahit papaano at hindi sila basta basta, kung nung nakaraang taon ay nagagawa nila akong I bully ngayon ay kasapi na nila ako sa kanilang grupo kaya wala ng nag lalakas loob na gawin ulit ang mga bagay na iyun sa akin.

Matalino naman ako at lagi akong nagiging top sa aming eskwelahan, nakakatuwa kasi wala na akong ka kompetensya hindi tulad dati nung buhay pa si Riza.

Si Riza nalang palagi ang nakikita ng lahat, sya na ang maganda, matalino at mabait halos lahat na yata ng katangian nasa kanya na eh kaya madalas kaming napag kukumpara na ayaw na ayaw ko sa lahat.

Atlis dito sa bago Kong paaralan Malaya na ako, ako na ang bida kahit na naging mahirap sa una, ganun naman talaga eh kailangan mo munang paghirapan ang isang bagay para makuha ito at Hindi nga ako nabigo.

Lumabas muna ako saglit para pumunta sa cafeteria ng school dahil Hindi nako nakapag almusal sa bahay, habang binabagtas ko ang daan patungo sa patutunguhan isang panget at tangang babae ang bumuggo sa akin.

"Oppss bulag kaba? Hindi mo Manlang ba ako nakita?"

Umagang umaga kamalasan naman oh.

"Sorry po ms. Lavinia Hindi napo mauulit nag mamada---"

Hindi kona sya pinatapos sa sinabi nya bagkus sinampal ko sya ng pagka lakas lakas. Hindi ko nadin namalayan na marami na palang tao ang naka tingin sa amin ng panget na to.

Wala namang nagawa ang babae kundi umiyak at tumakbo na lamang palayo. Sa Hindi kalayuan nakita ko si thea papalapit at akmang pipigilan ang babae sa pagtakbo Hindi rin mapag kakaila ang takot sa bawat muka ng mga estudyante pag nakikita nila si thea, SINO BA SI THEA?

Kanya itong hinigit pabalik sa harapan ko kayat ako ay nagulat.

"Yan lang ba ang kaya mo? Ang manampal? Such a jerk, bitch"

Hindi ko akalaing ganun sya kaya ako ay na bigla sa kanyang mga sinabi.

"Sa totoo lang wala pa yan, warm up palang yan and Dont call me bitch, bitch tsk!"

Hindi ko nalang pinahalata ang pagka dismaya ko sa pinakita nyang ugali na malayo sa ini expect ko.

Bigla nya Kong sinampal kaliwat kanan sa harap ng maraming tao, nararamdaman ko na nag mamarka sa muka ko ang kanyang palad.

"Did you hurt? That is what you call warm up, now you poor girl Dont cry and slap her hard"

RAPE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon