- "ano kayang magandang gawin sa isang malandi na gaya mo? Ano sa tingin nyo guys?""Buhusan kaya naten sya ng fish sauce? Haha"
"Or? Harina? At samahan mo nadin ng itlog para parang cake diba? Wait kulang ng kandila haha"
"Good! Tamang tama birthday ngayon Ni Lavinia haha magandang regalo to para sa kanya."
Nakatayo ako sa may corridor ng aming building para mag basa at mag relax ng may narinig akong mga boses na nakapukaw ng aking atensyon dahilan upang ma tigil ako sa aking pag babasa ng bawat pahina ng libro na hawak ko.
Hindi ako nag dalawang isip na lapitan eto, habang papalapit sa pinang yayarihan dinig ko ang bawat hikbi ng isang babaeng nakaluhod sa sahig habang pinag kakatuwaan ng tatlong babaeng minsan nadin naging malapit sa akin.
"Wag ka ngang umiyak Jan, wala pa nga kaming ginagawa sayo umiiyak kana? Haha"
Pag saad Ni Allison sa harap ng babae.
"Oo nga! Wag kana munang umiyak at baka wala kanang maiiyak mamaya pag dating nya haha"
Pagkakasabi naman Ni Monique habang tumatawa.
Agad namang kinuha Ni Bea ang kanyang cellphone na parang may tatawagan.
"Hello friend! Punta ka sa likod ng school may surprise kami sayo since birthday mo hihi"
Excite na excite na tugon Ni bea habang kinakausap si Lavinia sa kabilang telepono. Agad na nya itong binaba at inihanda ang mga bagay na gagamitin ata nila para sa babae.
"Uy nandito kana pala hihi,since birthday mo ahmm may regalo kami sayo"
Sabay turo Ni Allison sa mga kasama na sobrang tuwa.
"Charaaannnnn! Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you, happy birthday lavinia"
Sabay sabay silang kumanta na ikinatuwa naman Ni Lavinia.
Hindi ko alam kung bakit nila nagagawa ang mga bagay na ito, beside Hindi ganto ang pagkakakilala ko sa tatlo. Hindi naman ganyang tao ang iniwan ko sa paaralang ito, pero bakit?
BINABASA MO ANG
RAPE (On-going)
Mystery / ThrillerSi Riza Alcantara, ang dalagang pinagkaitan ng kalayaan. Ang dalagang tinuring na parang hayop ng sariling pamilya. Ang dalagang binaboy at inalipusta ng isang pamilya at limang lalaki. Hanggang kelan kaya siya maghihirap? Kung iyo itong babasahin...