Luke's Pov
Heto ako ngayon sa harap ng salamin. Nagpapaganda ang lola nyo! May date kasi kami mamaya ng fafa ko. Sa tingin ko nga ah magpopropose na sya sakin! Di na ako makapaghintay. Ang sabi nya ay magdinner daw kami ngayon dahil may sasabihin sya!
Omyghad! Di na talaga ako makapaghintay. Buti nalang talaga ako yung nakasalo dun sa bulaklak sa kasal ng bruha kong kaibigan. At ngayon sigurado na akong matutupad na ikakasal na ako. Ohh diba! Ang bongga. Daig ko pa kayo mga bruha!
Pagkatapos kong tignan sa salamin ang hitsura ko ay nakuntento na ako. Kahit di na ako mag make up kabog ko pa din mga beauty nyo noh! Hindi naman kasi ako katulad ng ibang bakla dyan na parang clown na kung makapag make up. Suot lalaki pa din ako. Aba kahit ata bakla ako may 6 pack abs ako noh. Kabog na kabog talaga.
Tinawagan ko si Jessy para sabihin ang napakagandang balita.
"Hoy bruha! Magdedate kami ni Fafa Jeff ngayon.", bungad ko kay bruha pagkasagot nya sa tawag ko.
"Ohh? Talaga? Nice naman. Kilig pwet ka na namang bakla ka", sagot nya sa akin.
"At tsaka bruha pakiramdam ko talaga magpopropose na sya sakin! Hindi na ako makapaghintay noh!", masaya kong sabi.
"Psh. Di wow", sabi nya sabay baba ng tawag.
Ano yun?! Bastusan lang ganern?! Aba walang modo! Bigla bigla akong binababaan ng telepono. Bahala nga sya.At umalis na ako papunta sa aking Fafa Jeff .. Ang aking future husband.
####################
Jessy's Pov
Psh. Nakakainis talaga! Napakalandi talaga nung baklang yun! Nandito naman ako eh?! Bakit naghahanap pa sya ng iba? Kayang kaya ko namang magpakalalaki para sakanya eh. Bat di nalang nya kasi tanggapin na ako lang ang kayang magmahal sakanya?! Na hindi sya makakahanap ng lalaking seseryosohin sya. Naku! Wag lang syang pupunta sa akin at iiyak iyak na niloko sya ng sira ulong lalaking yun! Pagtatabuyan ko talaga sya paalis.
Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko. Agad ko naman iyong pinunasan..
Humiga ako sa kama para makapag isip isip."Arrgh! Bwisit! Bat di ko sya matiis?! Bat ba mahal na mahal ko yung baklang yun?!", nahampas ko ng unan ang mukha ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Tumayo ako at pumunta sa banyo upang makapag shower. At para na din lumamig ang ulo ko.
#################
Luke's Pov
Nandito na ako sa mamahaling restaurant. Ang sabi kasi ni Fafa Jeff dito daw kami kakain. Ano kayang gimik nya para sa akin? Siguro ilalagay nya yung singsing sa pagkain o di kaya habang natugtog ng music bigla syang luluhod sa harap ko. Omyghad.. I cant wait na mangyari na yun.
Kumuha ako ng tissue. Syempre! Kailangang handa ako noh. Para pag pumatak luha ko pag nagpropose na sya maganda pa din ang lola nyo!
Maya maya lang ay dumating na din sya. Napanganga nalang ako sa nakita ko. Napakagwapo talaga ng fafa ko. Mukha palang nya ulam na.
"Sorry babe nalate ako. Kanina ka pa ba dito?", tanong nya sakin sabay upo.
"Okay lang babe actually kakadating ko lang din eh", paarte kong sagot. Pero sa totoo nyan halos isang oras na din akonf nandito. Medyo hagard na din ang feslak ng lola nyo.
"Order na tayo", sabi nya at tumawag ng waiter. Agad naman yun lumapit sa amin at hiningi ang order namin.
"Isang beef steak,buttered shrimp...", at nagpatuloy lang sya sa pag order. Halos di ko na din maintindihan ang sinasabi nya dahil tulala lang ako habang tinitignan sya.
"Kayo sir? Ano pong order nyo?", tanong ng waiter. Doon lang ako natauhan. Mag oorder na sana ako ng makita ko ang kahabaan ng order ng kadate ko.
"Ang dami na nyan ah.", napalunok ako.
"Sa akin lang yan babe. Order ka na ng sayo", sabi ni Fafa Jeff.
"Uhmm..tubig nalang ako...", sabi ko dahil busog pa naman ako at di ko makeri ang inorder ni Fafa Jeff. May pambayad ba sya dyan?. Umalis na din ang waiter.
"Musta ka na babe?", tanong ko kay Fafa Jeff. "Buti naisipan mong kumain tayo sa labas. Nakakakilig naman",dugtong ko
"Ayos naman. Nga pala..tungkol dun sa sasabihin ko...", omyghad. Eto na.. Magpopropose na sya...
"Babe..wag kang masyadong mabilis..baka di ko kayanin... Pwede bang mamaya nalang pagkatapos kumain?", sabi ko at tumango naman sya.
Dumatin na din yung order namin..este order lang nya na halos mapuno na yung table namin."Lets eat", magana nyang sabi sabay kain..hindi..lamon ang ginagawa nya.
Ginagalaw ko lahat ng pagkain..umaasa na baka nandoon nga ang singsing na hinihintay ko..pero nabigo ako"May hinahanap ka ba babe?",tanong nya sakin. Napatigil naman ako sa ginagawa ko.
"Wala babe. Chinecheck ko lang kung naluto ba ng ayos yung ulam", pagdadahilan ko. Napakamot naman ako sa batok.
Pagkatapos ng lumamon ay tinitigan nya ako sa mata. Omg! Eto na yun eh! Tapos hahawakan nya yung kamay ko! Tapos luluhod na sya at tatanungin na nya ako!
"Babe", sabi nya sabay hawak sa kamay ko...
"Ano yun babe?", halos lumundag ang puso ko sa tuwa at kaba.
"Wala akong pera eh. Pwede bang umutang muna sayo? Bilhin mo na din itong cellphone na binebenta ko. 10 thousand lang sya. At sya nga pala. Pakibayaran na din yung kinain natin ah", halos pagbagsakan ako ng langit sa narinig.
"Ano?!", pinanlakihan ko sya ng mata. "Akala ko pa naman magpopropose ka na sakin! Bwisit! Mangungutang ka lang palabg hayop ka!", napalakas yung boses ko kaya nakaagaw atensyon kami.
"Babe naman..huminahon ka..madaming tao dito..nakakahiya naman", bulong nya sakin.
"Nakakahiya?! May gana ka pang mahiya ha?! Ang kapal kapal ng mukha mo! Bahala ka nga dyan. Bayaran mo yang kinain mo daig mo pa baboy kung lumamon!", sabi ko sabay mabilis na umalis doon. Bahala sya sa bu
BINABASA MO ANG
Ang Kaibigan Kong Beki
HumorMatagal ng matalik na magkaibigan si Jessy at Luke. At matagal na ding may lihim na pagtingin si Jessy sa kaibigang bakla. Alam naman nyang wala syang pag asa dito pero ginagawa nya ang lahat para maging lalaki lamang ito. Hanggang kailan sya aasa...