Chapter 2

166 8 0
                                    

Jessy's Pov

"Bakla. Ano na? Bihis ka na ba? Maya maya aalis na tayo.", sabi ko sa kabilang linya. Kausap ko ngayon sa telepono si Luke.

"Ha? Ano bang meron?", taka nyang sabi.

"Diba aalis tayong magbabarkada? You know bestie bonding", paalala ko dito.

"Ahh naalala ko na! Sorry sis ah. Di ako makakasama ngayon",malungkot nyang sabi.

"At bakit? Ngayon ka lang ata umayaw sa galaan", tanong ko dito

"Masama kasi pakiramdam ko bakla. May sakit ako eh", matamlay nitong sabi.

"Ahh ganun ba.. Sige.. Pagaling ka agad ah. Bye", sabi ko at ibinaba na ang telepono. Kung di sya makakasama. Edi di na din ako sasama.

##################

Nandito ako ngayon sa bahay nila Luke.

"Ohh bakla. Kumain ka muna ng lugaw oh. Para makainom ka na din ng gamot", umupo ako sa tabi ng kama nya. Inalalayan ko syang umupo. "Say ahhh", dugtong ko.

"Pfft. Haha di na ako bata loka toh", sabi nya at sumubo ng lugaw.

"Pero baby kita", sumubo din ako ng lugaw..   "Ayan para na tayong nag lips to lips nito. Yieee", kinikilig kong sabi.

"Loka! Kadiri ka! Nasusuka ako sayo. Eeww", sabi nito at umarte na parang nasusuka nga.

"Ang arte ah. Buhusan kita ng malamig na tubig dyan eh", sabi ko.

"Tigil tigilan mo nga ako dyan. Buti sana kung kasing gwapo mo si Piolo Pascual o John Lloyd Cruz eh papatusin talaga kita"

"Mas gwapo ako don noh!",sabi ko sabay pout

"Wag ka ngang magpout. Ano ka? Pato? Wag kang assumera di ka pato kaya wag kang magfeeling", sabi nya.

"Ayy ang hard nya oh. Sama mo bakla ah!", sinamaan ko sya ng tingin.

"Di ako masama. Nagsasabi lang ng totoo. Realtalk teh. Burn!", sabi nya at humalagpak ng tawa. Natawa na din ako. Pinainom ko na sya ng gamot..

"Ohh sya. Mag beauty rest ka na bruha.", sabi ko at natulog na din naman sya. Gabi na rin kasi kaya pinatulog ko na sya.

Tinitigan ko mukha nya.. Bakit kasi ikaw pa ang minahal ko.. Bakit sa isang bakla pa ako nagkagusto? Kung pwede lang piliin kung sino ang mamahalin edi sana hindi ako nahihirapan ng ganito..

Humiga na din ako sa tabi nya. Oo! Dadamoves ako sakanya hihihi. Kahit naman bakla sya eh lalaking lalaki ang katawan nya. May abs pa nga ang baklang yan eh.

Pero bago ako tuluyang matulog. Pinagnasaan ko muna ang mga labi nya.. At dahan dahan ko yung hinalikan..

"Myghad.. Ang lambot pala ng labi ni bakla. Shems..", sabi ko na kinikilig pa..

##################

"Ahhhhhhh!!!!", nagising ako dahil sa isang malakas na sigaw.

"Waaah! May sunog! May sunog!", paghihisterikal ko. Nakaramdam naman ako ng hapdi sa pisngi ko. "Aray ko! Bat mo naman ako sinampal?!"

"Kasi para kang tanga!", sabi nya.

"Ikaw nga unang sumigaw dyan eh. Bat ka ba sumigaw?", tanong ko.

"Kasi nakayakap ka sakin eh! Kadiri ka! Nirerape mo ko! Hinaharass mo ang kainosentehan ko! Huhuhu", nagpunas pa sya kunwari ng luha.

"Gaga! Inosente mo mukha mo. Ulol ka. Umayos ka nga. Parang nakayakap lang ako sayo eh. Pero bakla yummy ka ah. Hahaha. Lalo na yang abs mo. Sarap yakapin" sabi ko habang kinikilig.

"Letse! Lumayo layo ka nga sakin! Huhuhu", taboy nito sakin

"Grabe ka. Ayaw mo ba nun. Nakatabi mo ang isang gwapong katulad ko", sabi ko sabay ngisi sakanya

"Tse! Di ka gwapo noh! And my body is only for handsome boys! At di ka kasali dun"

"Ahh okay lang haha. Kiss mo nalang ako", biro ko dito

"Di ko gagawin yan noh! Sa dyosa kong ito. No way!", sabi nito.

"Sus. Eh nahalikan ko na nga yan eh", sabi ko sabay ngisi.

"Ano?! Kelan?! Magsabi ka ng totoo! Ni-rape mo ko kagabi noh?! Walang hiya kang babae ka! Sinamantala mo kahinaan ko huhuhu", sabi nito at tumakbo papuntang Cr. "Magto-tooth brush talaga ako ng 100 times!"

"Ang OA ah. Haha sige na nga. Mauuna na ako. Bye.. Btw,ang lambot ng lips mo bakla ah", sabi ko sabay kindat sakanya. At tuluyan ng umalis.




Ang Kaibigan Kong BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon