Chapter 4

171 4 1
                                    

Jessy's Pov

"Pfft hahahah! Weh? Di nga? Yan kase hahaha ", halos di ko mapigilan ang pagtawa ko ng ikwento sakin ni Luke ang buong nangyari sa date nila nung Fafa Jeff nya kagabi. Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil halos magkanda lupasay na sya sa iyak. Magkatapat lang naman ang bahay namin.

"Tignan mong broken hearted na ako ngayon tatawanan mo pa ako", masungit nyang sabi sakin.

"Di ka kasi nakikinig sakin. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na peperahan ka lang ng mga lalaki", pang aalo ko dito.

"Mahal ko sya bruha eh. Malay ko ba huhu", nagsimula na naman syang umiyak.
Nalulungkot na masaya ako sa nangyari sakanya. Malungkot kasi nasasaktan na naman yung taong mahal ko.. At masaya dahil wala na ulit syang Fafa. Tuloy na naman ang mga plano ko. May pag asa na naman ako.

"Bakit kasi lalaki pa hanap mo..nandito naman ako na nagmamahal sayo eh. Di kita sasaktan", mahina kong sabi..

"Ha? Anong sabi mo?", tanong nya.

"Ahh! Ang sabi ko wag ka ng umiyak. Ang panget mo na oh tulo pa uhog mo. Sanggol lang?", pagbibiro ko dito

"Psh. Ipunas ko sayo tong uhog ko eh ng makita mo", pagbabanta nya at akmang ipupunas nga nya ang sipon nya sakin

"Eww! Kadiri ka bakla! Sige subukan mong ipunas sakin yan hahalikan kita!", napangisi ako ng makita ang reaksyon nya.

"Pinagnanasaan mo na naman akong bruha ka! Akala mo ba nakalimutan ko na yung paghalik mo sakin?!", pinanlakihan nya ako ng mga mata.

"Pero infairness bakla ah. Sarap ng labi mo hehe",lalo ko pa syang inasar

"Psh! Isa pa talaga makakatikim ka na sakin!", naiinis nyang sabi

"Isa pang ano? Kiss? Sige sige! Anong matitikman ko? Masarap ba yan?", natutuwa ako sa ginagawa kong pang aasar sakanya.

"Tsk! Lumayas ka na nga dito. Umuwi ka na bruha", pagtataboy nya sakin

"Nga pala bakla. Magbihis ka dali. Aalis tayo", pag aaya ko sakanya. Dadamoves na ang dyosa

"Ayoko. Tinatamad ako", sabi nya sabay higa sa kama

"Sasama ka o sasama ka?", tanong ko dito

"O nalang", pilosopo nyang sabi sabay takip ng kumot sa mukha nya.

"Sasama ka o ipagsasabi ko sa buong barangay na niloko ka ng jowa mong lalaki?"

"Edi ipagkalat mo", aba. Ang tigas talaga nitong baklang ito.. Napatingin lang ako sakanya hanggang sa nakaisip ako ng ideya.

"Luke..", mahina kong sabi sakanya sabay hawak sa balikat nya..

"Ohh? Ano? Layas na"

"Sasama ka o rereypin kita?", tanong ko dito kaya napabalikwas sya sa pagkakahiga

"Subukan mo at ipapalapa kita sa Leon", sinamaan nya ako ng tingin.

"Bumangon ka na kasi dyan at umalis na tayo", hinila ko sya patayo sa kama. Kaya wala syang nagawa kundi ang bumangon at magbihis...  "Uwi muna ako para makapagpalit ng damit. Babush bakla! Love you",pagpapaalam ko sakanya sabay alis

##############

Luke's Pov

Ano kayang nakain ng babaeng yun? Imbis na damayan ako sa pagkabroken hearted ko inaasar asar pa ako.

Naghilamos ako ng mukha at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda naman ako pero bakit di nya ako magawang mahalin? Bakit lahat nalang ng lalaking minamahal ko ay pera lang ang habol sa akin? Kung kaya ko lang magmahal ng kapwa ko babae..edi sana di na ako nahihirapan ng ganito.

Kinuha ko na ang twalya ko at nagsimulang maligo..

#############

Jessy's Pov

"Ayan.. Pak na pak ka na Jessy ang ganda mo", sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa harap ng salamin. Pinagmasdan ko ang buo kong katawan.. Sa ganda kong ito..madaming lalaki ang nagtangkang manligaw sa akin pero di ko sila pinansin dahil si Luke lang ang kaya kong mahalin..

"Ohh? San punta mo at para kang rarampa dyan sa kanto?", biglang singit ni Mamang na ikinagulat ko. Ang nanay kong beki

"Mamang naman! Papatayin mo ba ako sa gulat?!",reklamo ko dito

"Ang O.A ah. San punta mong bata ka?", tanong nya sakin

"Magdedate kami ni Luke,Mamang..", kinikilig ko pang sabi

"Yung bakla mong kaibigan? Di ka pa din ba sumusuko dyan sa operasyon mong gawing lalaki yang kaibigan mo?", tanong sa akin nito habang inaayos ang buhok ko.

"Eh Mamang naman. Alam mo naman kung gaano ko sya kamahal diba?. At tsaka sya yung lalaking pakakasalan ko",paliwanag ko dito

"Suportahan nalang kita anak. Bakla din ako kaya alam kong mahihirapan ka lang sa gagawin mo. Basta ihanda mo yang puso mo nak", ang swerte ko talaga sa Mamang ko. Na kahit di nya ako tunay na anak eh sinusuportahan nya ako sa lahat ng ginagawa ko kahit na minsan ay wala ng kwenta.

"Salamat po Mamang,mauuna na po ako ah",paalam ko sakanya at hinalikan sya sa pisngi.

Agad naman akong pumunta sa bahay nila Luke. Ano kayang suot nya? Nag ayos kaya sya ng mabuti? Excited din ba sya sa lakad namin ngayon? Yieee. Kinikilig ako mga bakla.. Here I come.. Gagawin na kitang lalaki Luke mylabs.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kaibigan Kong BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon