"Sige na po, mumshie, bye bye na! Ipagluluto ko pa si Harper ng breakfast. Bye!" Ibinaba ni MM ang telepono. Pabalik na siya sa kusina nang marinig si Harper.
"Si Mumshie ba 'yon?" Tanong ni Harper na kakalabas lang ng kuwarto hila ang isang maliit na pulang suitcase at sa isang kamay ay ang pares ng white Gucci sneakers nito.
"Oo. Saan ka pupunta?" Tumayo si Mhelanie sa likod ng pang-isahang couch. Itinukod niya ang kamay sa ibabaw ng malambot na sandalan habang nakatingin kay Harper na umupo sa sofa habang isinusuot ang sapatos.
"Ano na naman daw ang kailangan sa 'yo?" Harper assumed na si Mhelanie ang kailangan ni Mumshie dahil kung para kay Harper ang tawag ay ibinigay na niya ang telepono rito.
"As usual, nangungulit na naman."
"And?" Nakataas ang kilay nitong tanong.
"Sabi ko ayaw ko."
"Good." Binuhol nito ang sintas ng sapatos at muling itinuon ang tingin sa kanya matapos maisintas ang sapatos.
"I need you, MM, alam mo 'yan 'di ba?" Tipid siyang ngumiti saka tumango.
"So, saan ka nga pupunta?" Tumayo si Harper at hinawakan ang handle ng suitcase.
"I'm going to Boracay. May biglaang appointment, eh. Kasama ko si Will. Will and I were invited for a Boracay Beach Run. You don't have to come with me. Just take a rest."
"Pero 'di ba may dinner kayo ng pamilya ni Falcon mamaya. Nagpaalam ka sa kanya."
"Hays! Isa pa 'yan kaya gusto ko ring umalis. Paniguradong kukulitin lang nila ako tungkol sa kasal namin ni Falcon. Tatawagan ko na lang siya kapag nasa Boracay na ako para wala na siyang magawa."
"Baka magtampo sa 'yo 'yong tao."
"Alam mo na ang gagawin diyan. Please, bake him his favorite brownies. Tapos dalhin mo sa office niya at sabihin mong hindi ako makakasama sa dinner. Ikaw na ang bahala, MM! I really have to go now." Lumapit sa kanya si Harper at hinalikan siya sa pisngi.
"Pero Harper."
"Bye, MM, may pasalubong ka sa 'kin pag-uwi ko." Tinungo ni Harper ang pinto hila ang suitcase.
"Harper!"
"Puntahan mo si Falcon, ah. Dalhan mo ng brownies at sabihin mong hindi ako makakasama sa dinner. MM, ikaw lang ang inaasahan ko. Bye!" Napaupo na lang si Mhelanie sa sofa nang isara na ni Harper ang pinto.
Iniiwasan niya nga si Falcon siya pa ang uutusan ng babaeng ito. Walang nagawa si MM kundi ang tunguhin ang kusina at magbake ng brownies. Ang red velvet brownies na paborito ni Falcon na akala nito ay si Harper mismo ang nagbe-bake para rito pero ang hindi nito alam ay siya ang nagbe-bake.
No big deal naman iyon sa kanya. Masaya siyang nakatulong ang brownies niya sa kaibigan para mapalapit kay Falcon. Falcon started to have interest with Harper nang dalhan ito ni Harper ng brownies na binake niya. Humanga raw ito kay Harper dahil sa kabila ng pagiging busy nito sa career ay nagagawa pang magbake. Falcon asked Harper to go on a date. Kaya naman simula noon ay kinuntsaba na siya ni Harper na huwag sasabihin kahit na kanino na siya ang nagbake ng brownies na iyon, lalong-lalo na kay Falcon. And that was fine with her. Masaya siya na masaya si Harper.