Chapter 30

304K 6.7K 826
                                    

MHELANIE was tapping her fingers against the steering wheel while waiting for the signal to turn green. Sa loob ng isang taong pananatili sa San Francisco ay natuto na ring magmaneho si Mhelanie sa tiyaga ni Jufred na magturo sa kanya. It's been almost  a year nang iwan niya ang Pilipinas at lahat ng mahal niya sa buhay pero mukhang wala naman siyang dapat pagsisihan. Sana nga wala! Sana ay may babalikan pa siya! Matagal din bago siya nakapag-adjust. Napakalungkot niya sa mga unang buwan niya rito sa San Francisco hanggang sa magkaroon siya ng mga kaibigan at kahit paano ay nalibang na siya.

Naging masaya siya trabaho niya. Ang sarap sa pakiramdamam na natupad niya ang pangarap niya. Unti-unti ay napapagawa niya ang bahay ni Tiyo Alfie bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan ng pamilya nito sa kanilang mag-ina. Nakakaipon siya ng malaki lalo na nang ma-promote siya from being accountant to accounting manager.

At nakatakda siyang maging controller sa oras na bumalik na siya ng Pilipinas. Naibenta na ni Mr. Villez ang kumpanya nito sa Pilipinas. Medyo nalugi raw dahil sa ginawang pangungulimbat ng dating controller  na pinagkakatiwalaan nito. Palibhasa'y naka-focus na ang mag-ama sa kumpanya rito sa San Francisco, na ngayon ay matagumpay na, kaya ipinaubaya ang pamamahala sa iba ang branch sa Pinas. Wala nang balak na umuwi ang mag-anak sa Pilipinas kaya naman ibinenta na lang sa iba ang kumpanya roon.

Gusto ng bagong may-ari ng isang mapapagkatiwalaan na siyang  uukupa  sa  posisyon  ng controller at siya ang inirekomenda ni Mr. Villez. Ayos naman ang offer. Kung ano ang monthly salary ng isang controller dito sa US ay ganoon din daw ang ibibigay sa kanya. Aayaw pa ba siya! Makakauwi na siya sa Pilipinas. Matagal na rin niyang gustong bumalik ng Pilipinas kaso nga lang ay sobra siyang nanghihinayang sa trabaho niya.

Pinausad niya ang sasakyan nang mag-green na ang traffic light.

At isa pa ay iniisip niya ang nanay niya at si Harper. Napagpasyahan niyang dumistansiya na lang muna lalo't ibinalita sa kanya ni Mamshie Juday na nakapag-usap na ang nanay niya at si Harper. Baka maudlot pa ang pag-aayos ng mga ito kung babalik siya sa mga buhay nito. Tingin niya ay nagiging okay na ang dalawa dahil madalas na raw dumalaw ang nanay niya kay Harper at hindi naman ito pinagtatabuyan ni Harper. Tingin niya rin ay nabawasan na ang galit sa kanya ng nanay niya. Madalas na siya nitong kamustahin. Laging nagbibilin ng mga dapat niyang gawin, at miss na raw siya nito. Ayon kay Mamshie Juday ay parang gusto rin makibalita ni Harper tungkol sa kanya, iyon nga lang ay nananaig lang siguro ang pride ng kapatid niya kaya hindi nagtatanong kay Mamshie.

Nang marating ang bahay ay ipinarada niya ang sasakyan sa parking space ng bahay saka umibis ng sasakyan at tinungo ang main door. Isa ang sasakyang gamit niya ngayon ay galing sa kumpanya. Natigilan si Mhelanie nang may makitang bouquet ng puting calla lilies sa labas ng pinto. Alam na niya kung kanino galing ang mga iyon pero nang makita niya ang isang swarovski stitch figurine na kulay aqua green ay tila tinumbol ang dibdib niya sa kaba. Kinuha niya ang mga iyon. Binuklat niya ang card at literal na natigil ang paghinga niya nang mabasa ang note.

I send kisses and hugs inside the petals of each calla lilies.

Nilinga niya ang paligid. Si Tres! Ang asawa niya!

"Hey, Gorgeous! Do you like them?" si Jufred na kalalabas lang mula sa bahay nito.

"Ikaw lang ang nagbigay nito?" tanong niya sa naiiritang tono.

"Who else? I was the only who left flowers in front of your door ever since."

"Kahit ito?" ipinakita niya ang figurine.

"Uh-huh! I saw that in Disney store while strolling with my girl, and I remembered you so I decided to add it to your collection. So you have three now. Go for four!" Inikutan niya ito ng mata. Sarcastic! Matatawag bang collection 'yon. Sabagay iyon kasi ang sinabi niya rito nang makita nito ang figurine na ibinigay sa kanya ni Falcon noon.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon