Kabanata I

70 6 0
                                    

Kabanata I
Desdemona's Point of View

"Mauuna na ako sa iyo, Des. May aasikasuhin pa kasi ako." Wika ni Claudia habang inaayos ang gamit sa table niya. Narito kami ngayon sa classroom at naghahanda na kasi mag-uuwian na.

"Sige." Sagot ko at ngumiti. Ikinaway niya ang kaniyang kamay at tuluyan ng umalis. Ako nalang ang mag-isa dito sa room dahil nakauwi na siguro silang lahat.

Ewan ko ba. Hindi ko pa dama umuwi at wala pa akong balak umuwi. Siguro baka pag umuwi ako, utos dito, utos doon, utos kahit saan. Nakakapagod rin namang sumunod ng sumunod. Tao lang din naman ako na napapagod. Kung yung makina nga na walang humpay sa pag-gamit nasisira, ako pa kaya na tao? Pero sa tingin ko mauudlot ang pagmumuni-muni ko rito kasi narinig ko na ang cellphone kong nagri-ring.

"Hello?" Sambit ko at inihahanda na ang sariling tenga.

"You, ugly creature! Where are you now? Aren't you going home? What now, Des? I'm gonna kill you! You're making my blood boil!" Hindi na ako nag-abalang pakinggan pa ang sumunod na sasabihin ni mommy dahil sigurado akong masasakit na salita lang naman ang magiging kasunod non.

Iniligpit ko na lamang ang gamit ko at umalis na sa lugar na iyon. Nang makarating ako sa bahay, maraming tao nanaman. Puro mayayaman. Mukhang may gaganapin na namang party. Napa-buntong hininga ako at pumasok na sa main door ng bahay.

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ko nang biglang may humila sa braso ko. It was mom. She's grabbing me towards the kitchen. I mentally sighed in relief.

"M-mom." I said while my voice stuttered.

"Help the maids na asikasuhin ang mga bisita." Mom said and left me in the kitchen. Bumuntong-hininga ako at inilapag ang bag ko sa gilid ng pinto.

"Oh, hija. Anong ginagawa mo rito?" Wika ni manang Shann. Si manang ang karamay ko sa lugar na 'to sa tuwing napagbubuntungan ako ng galit ng pamilya ko. Ewan ko ba, pakiramdam ko napakalaki kong peste sa buhay nila. Eh, wala naman akong ginagawang masama.

"Wala po. Sabi po ni mama tulungan ko raw po kayo." Sagot ko kay manang at nag-umpisa na ring magluto.

Narinig kong tinawag ako sa labas kaya naghugas muna ako ng kamay at umalis sa kitchen. Hindi pa pala ako nakakapag-bihis ng damit pambahay.

"Ano iyon, Krisha?" Tanong ko sa nakababata kong kapatid. Siguro mas bata lang siya sa akin ng buwan. Ako kasi ang panganay sa aming magkakapatid.

"Tulungan mo naman akong balatan itong orange." Maarte ang tono nito. Napairap ako sa isip ko dahil sa OA nito. And yes, I have my bitchy attitude. Though, I'll treat people like how they treat me.

Binalatan ko ang orange na inuutos niya. Nang matapos ako ay aalis na sana ako pero bigla nanaman akong tinawag nito. Kasama niya ang mga kaibigan niya. May tatlong lalaki, si Krisha at isang babae.

"Oops! Natapon ang juice! Sorry, hindi ko sinasadya!" Pinigilan ko ang sarili kong sigawan siya. Itinapon niya lang naman sa damit ko ang isang basong juice na puno ng yelo. Sarkastikong ngumiti ako sa kaniya.

"Ayos lang, Krish. Ayos lang talaga. Wala ka na bang ibang i-uutos? Marami pa akong gagawin." Note the sarcasm. Inirapan lang naman ako nito at muli nang nakipag-chikahan sa mga kasama niya.

Umalis na ako sa lugar na iyon dahil nauubos lang naman ang oras ko sa walang kwentang bagay. Maya-maya pa ay narinig ko nanaman ang pangalan ko sa likod ng bahay kung nasaan ang pool. Alas-cinco palang ng hapon at karamihan sa mga katulong namin ay naghahanda na para mamaya. Sige, kasama na ako do'n.

"Ano po iyon, mom?" Tanong ko kay mommy nang makarating ako sa pwesto niya. Ang gara ng kasuotan ni mommy. Ang ganda rin niya.

"Pulutin mo nga yung mga nagkalat na plastic cups sa sahig. Nakakahiya naman kasi sa mga bisita na sobrang kalat."

The Fate's SpellWhere stories live. Discover now