Chapter 3 - Sweet Dreams

1 0 0
                                    

Destiny

He will guide me? ano ba talaga tong lalaking to? pabago bago madalas masungit tas minsan parang ang bait bait nakakaloka

At hindi ako nainform na pool party pala to. Swimming? hindi ako marunong lumangoy isa pa wala naman akong dalang damit kaya andito na lang ako sa table kumakain ng sweets. Natutuwa talaga ko kapag may chocolate fountain eh

"Wont you swim?" tanong ni Red na tumabi sakin. Umiinom siya ng red wine at swear! ayoko nun hindi kaya masarap ang wine eww

"No I dont have clothes"

"Well you can ask Katie to bring you some"

"I..."

Jusko paano ko ba sasabihin na hindi ako marunong lumangoy? nakakahiya

"You cant swim?"  tanong niya na parang natatawa

Ano naman kung di marunong lumangoy tss

"Nakakatawa ba yun?" inirapan ko siya

"Yes. I bet you swim like a dog"

"Dog dog tss"

Hindi ko na siya pinansin kumain na lang ako ng mga nandito sa table. Actually punong puno nga ng pagkain tong table ko

Nagulat ako ng kumuha si Red at kinain niya yun ng sunod sunod

"Aba! hoy hindi para sayo yan kumuha ka ng sarili mo!!"

"Seriously? Glutton.."

"Ano ba magtagalog ka nga dami netong alam!"

Hindi niya ko pinansin at kumain lang ulit siya. Bahala na nga muka namang ineenjoy niya yung kinakain niya kainis

"Red wala ka bang kapatid?"

"Meron"

"Ayan nagtagalog ka rin!"

tumawa siya sa sinabi ko. Lord? bakit ang gwapo..

"Nasa states siya busy siya sa bussiness namin doon"

"Ahh.. bakit ngayon ka lang nagtagalog edi sana mas nagkaintindihan tayo ng maaga diba"

"Wala naiintindihan mo rin naman pag english eh umaarte ka pa"

"Nakakadugo kaya ng ilong"

Ang weird din ng pangalan niya. Red? siguro paborito ng magulang niya ang Red HAHAHAHA

"Your name sounds weird. Destiny Fate? masyado atang naniniwala sa tadhana ang magulang mo"

"Yung sayo rin naman ah! Red? bakit kulay? HAHAHAHA" tumawa ko at tumawa rin siya

"Yeah.. weird. Do you believe in Destiny?"

"Yes I do"

"I do rin" Ohmygod! nagulat ako sa sinabi niya at tumawa naman siya. Tawa talaga siya ng tawa nakahawak pa siya sa tiyan niya

"Tuwang tuwa ka sa trip mo eh noh" tinignan ko siya ng masama. Para siyang tanga

"I mean I do rin. I do believe in destiny"

"You belive in me pala huh" kinindatan ko siya sabay tumawa

Nagtawanan lang kami ng nagtawanan ni Red pagkatapos nagpaalam na ko para umuwi

"Hatid na kita" sabi ni Red

"Hindi na papasundo na lang ako sa driver namin"

"I insist tsaka pareho lang naman tayo ng way actually sa kabilang street lang naman ako malapit sa inyo"

Wala na kong nagawa tutal tama naman siya pauwi na rin naman kasi siya

Matagal kaming tahimik dito sa sasakyan at tanging music lang ang maririnig bago siya nagsalita. "Are you ready?"

Nagtaka ako kaya ko siya tinignan "Ready saan?"

"Sa career. Sa modelling"

"Actually hindi. Kinakabahan ako syempre first time ko to"

"As i've told you, I am here to guide you" pagkatapos ngumiti siya

Ngumiti rin ako pabalik "Mabait ka rin pala noh"

"You think im rude?" nagtatakang tanong niya

"At first syempre hindi pa naman tayo masyadong naguusap nun.. ay hala! baka magalit girlfriend mo na kasama mo ko ngayon o ano ha"

"Ofcourse magkakasama talaga tayo dahil ikaw ang partner ko sa modelling but no I do not have a girlfriend. Ikaw? siguro naman may ex ka diba" Diretso lang na nakatingin si Red sa daanan pero paminsan minsan tumitingin siya sakin

"Meron" Hindi naman ako NBSB haha.

"Ilang years kayo?"

"3 years? Nagloko siya eh pero we're friends as of now. Ikaw? ilang years kayo ng ex mo?" sure naman akong nagka gf na to si Red. Hello? malamang diba may itsura kasi

"3 years rin. She passed away 3 years ago. Maybe puppy love kung tatawagin ng iba since I was 18 years old nung naging kami"

"Sorry to hear that. So you're one year older than me. You're 24 right?"

"Right"






Kung ano ano pang napagkwentuhan namin ni Red nalaman ko na dalawa lang silang magkapatid ni White parehas pang lalaki. Natawa nga ako noong nalaman kong White ang pangalan ng kapatid niya.

Sa pula? o sa Puti?

He asked for my number and binigay ko naman nagayos na agad ako at nagbihis pag uwi dahil pagod na pagod na ko at late na rin maaga pa ang shoot namin para sa clothing line ni Sir Luke bukas

Bago ako matulog chineck ko pa ang mga social media accounts ko at nagtweet na rin sa twitter

"What a productive day! Ready for the shoot tomorrow thank you G"






@FernandezRed replied to your tweet**







"Sweet dreams Destiny"

Written in Our StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon