Destiny
Maaga akong nagising ngayon dahil maaga din ang call time namin para sa shoot pero after naman noon wala ng gagawin. Katatapos ko lang maligo pero biglang tumawag si Katie "Destiny asan ka na?"
"Katatapos ko lang maligo teka di pa naman ako late ah" tinignan ko yung oras meron pa naman akong almost one hour sakto na yun para sa byahe ko
"Oo nga chineck ko lang baka mamaya tulog ka pa eh. Nga pala susunduin ka daw ni Red dyan"
"Pero may kotse nama--"
Bastos na babae! binabaan ba naman ako! Nag ayos na ko simpleng white tshirt and shorts lang para madali ng magbihis dun. Hindi na rin ako nag make up dahil una hindi naman ako mahilig dun tsaka aayusan pa naman ako ng mga make up artists dun
Pagbaba ko sakto andun na si Red si mommy nga pala umalis na papuntang states and hindi ko alam kung kailan balik nila kami lang ni yaya ang naiwan dito
"Bakit mo ko sinundo?" yun agad ang sinabi ko pagkapasok ng sasakyan at tumawa naman siya
"Just say thank you"
"Sabagay para hindi sayang sa gas ko" sabi ko at umupo na ako ng naka indian seat
"Hey put your feet down" saway niya at pinalo palo pa ang hita ko
Aba! eh sa dito ako kumportable eh. Wala na kong nagawa dahil ginugulo niya talaga ako "Ang kulit! oo na oo na eto na oh! tsaka english na naman jusko"
Nginisian niya ko bago sumagot "Dont act as if you dont understand me"
"Dont act as if you dont understand me nye nye nye nye!" kinopya ko yung sinabi niya sabay tumawa ko ng tumawa nakitawa na rin si Red
"Red nagugutom ako daan tayong Mcdo"
"Libre mo" sabi niya sabay liko sa Mcdo
"Utot mo! babae ako kaya dapat ako ang nililibre" Oo makatwiran yun nararapat yun hmp
Tumawa siya ng tumawa "You're kuripot"
"Ang happy mo eh noh umorder ka na!"
Oo ako yung may gusto ng Mcdo pero siya pinagorder ko HAHAHAHA. Pagkatapos namin makuha yung inorder ni Red dumiretso na kami sa byahe
"Destiny pengeng nuggets"
"Kumuha ka"
"Mababangga tayo" Ang OA din netong kupal na to eh
Kumuha ako ng nuggets at sinalampak sa bunganga niya. Kala niya ha
"Aray naman" sabi niya sabay hawak sa bunganga niya
"Thank you sa libre hehe" sabi ko tapos nakipag selfie ako kasama siya
"Wow marunong ka palang magthank you"
Inirapan ko na lang siya dahil busy ako sa pag kain. Dumating na kami sa venue at nagsimula na kaming ayusan pagkatapos nagsimula na rin yung shoot.
Nagaayos na ko ng gamit ko ngayon at narinig kong may pumasok pag tingin ko si sir Luke lang pala "Alam mo ikaw Destiny kain ka ng kain di ka naman tumataba actually you're sexy"
"Ay thank you" natatawa kong sabi hindi na ko nakipagkwentuhan at umalis na ko dun. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Red na parang nagmamadaling umaalis.
Iniwan niya ba ko? Pero wala akong dalang kotse hindi ako sanay mag cab huhu. Wala ng tao sa loob ng venue dahil umalis na silang lahat. Paglabas ko sa building madilim at malakas ang ulan
"Ano ba naman yan tanghaling tanghali ang dilim at ang lakas ng ulan" bulong ko
Nagstay lang ako dito sa labas ng building kaya medyo nababasa basa ako ng ulan tinawagan ko na rin si Katie
"Asan ka ba? hindi mo kasabay si Red?" tanong niya
"Hindi. Eh nakita ko ngang nagmamadali kanina baka naman may emergency"
"Emergency? Eh kakatext lang nun kanina sakin na wag ka ng ipasundo kasi isasabay ka na daw niya. Abnoy.."
Anong nangyari dun? Bakit hindi niya ko sinabay kung tinext niya si Katie
"Osige na Des, ipapasundo na kita sa driver mo. Doon nga pala ko matutulog sa inyo ah bonding tayo see you later ingat!" pagkatapos nun binaba na niya yung tawag
Umupo na lang ako dito sa parang hagdan papasok ng building mukha akong batang ulila dito sa pwesto ko. Nakakainis naman! bakit ngayon pa umulan? Ano bang nangyari kay Red? parang tanga..
Dumating na din agad yung driver ko buti na lang. Habang nakikinig ng tugtog dito sa kotse nakatingin ako sa bintana pinapanood ko yung mga rain dropletsa bintana na parang nagraracing pababa. Ang sarap magsenti kapag ganito char hahahaha
Biglang tumunog yung cellphone ko kaya chineck ko kung sino yung nagtext
"Im sorry I left you. I.. nevermind destiny. Have some rest. And mind you you're not sexy tss"
Ano daw? wala naman akong sinabing sexy ako ah.. Weirdo
BINABASA MO ANG
Written in Our Stars
Novela JuvenilDo you believe in Destiny? Do you believe in Fate? Sounds corny but a girl like me believes in things like those maybe thats why Destiny Fate is my name but sometimes believing those things cause negative effects "Bullshit Destiny! For once in your...