Destiny
Work day!
Pagdating ko sa office marami agad bumati ng good morning nginitian ko sila bilang sagot
"Micah anong schedule ko ngayon?"
"Miss Destiny meron po kayong meeting with sir Luke this afternoon about your modelling career po maam"
"modelling?"
"Opo. Sir Luke is looking for someone that could model for his clothing line po maam and he wanted you to be that girl maam"
model? naks aawra ang ate niyo HAHAHAHAHA.
Masyado akong naging busy kaya hindi ko napansin na andito na pala si Luke
"Good afternoon Destiny"
"Luke bakit ba ako? Alam mo namang hindi ako magaling mag model" Oo hindi ako marunong mag model feeling lang yung magmomodel modelan ako sa salamin pero hindi yung photoshoot talaga
"You are beautiful Destiny. Alam kong kaya mo to ikaw pa isa pa may nakita akong kakaiba sa inyo ni Red pakiramdam ko bagay kayo sa camera"
Red? narinig ko na yun ah..
Malamang Destiny kulay yun eh ano ba
"Sinong Red?"
"Red Fernandez. You dont know him?"
"Hindi naman siya artista para makilala ko pero oo nakita ko na siya nagusap pa nga kami. Tss Luke napakasungit nun ayokong makatrabaho yun tsaka english ng english kala mo naman aish!"
"Well--"
"I am not an actor yet everybody knows me except you. Are you living on a mountain? Don't you have internet in your house?"
Pamilyar na boses ang narinig ko. At malamang si Red yun sino pa ba ang english ng english dito
"Excuse me?"
Bigla siyang umusog na parang binibigyan ako ng daan. Inirapan ko siya sa ginawa niya nakakainis pilosopo
"Well Destiny and Red wag nga kayong magbangayan you'll sign a contract and you two will work together for 1 year since I know that after this endorsment marami pang naka line up na modelling sa inyo"
"But what about my company Luke? sinong magaasikaso neto habang nagmomodel ako? Pupunta na si mommy sa states"
"Nakausap ko na si Katie tungkol dun at siya muna ang magtatake over netong company"
"Okay malaki naman tiwala ko sa gagang yun kaya niya to"
Habang naguusap kami ni Luke tahimik lang si Red. Mabuti yan kesa yung dada siya ng dada nakakairita
"So maiwan ko na kayong dalawa mamaya ang contract signing 6 pm and its 2:37 pm I think kailangan niyo ng magayos"
Umalis na si Luke pagkatapos niyang sabihin yun
"I'll pick you up at 5 pm be ready" pagkatapos tumayo na siya
"Pero hindi mo naman alam ang bahay namin"
"I am living just in the same subdivision. I can ask Luke which house is yours"
"Okay" Pumunta na siya sa may pintuan pero bago siya lumabas humarap muna siya sakin
"And by the way. Wear something red" Tapos umalis na siya
Mygod! ang bilis ng pangyayari. Model na ko? Well hindi naman ako artista pero makikilala na rin ako ng mga tao
BINABASA MO ANG
Written in Our Stars
Roman pour AdolescentsDo you believe in Destiny? Do you believe in Fate? Sounds corny but a girl like me believes in things like those maybe thats why Destiny Fate is my name but sometimes believing those things cause negative effects "Bullshit Destiny! For once in your...