Walang tayo💔

17 0 0
                                    

Ikaw ! Oo ikaw

Ikaw na nakatingin sa akin

Nakatingin sa akin gamit ng iyong nag gagandahang paningin

Paningin na sana wag mong iiwas sa akin

Iiwas sa akin gaya ng iyong damdamin

Gusto ko'tong simulan sa umpisa

Sa umpisa b nung una kitang nakita

O

Sa Umpisa ba nung una kitang nakasama

Di ko talaga alam kung san magsisimula

Dahil simula palang alam ko nang walang tayo

Tayo na akala nila matatag

Tayo na akala nila masaya

Tayo na akala nila forever na

Tayo na sana ipagpapatuloy ko pa

Tayo na hanggang akala lang nila

Tayo,tayo,tayo !

Tayo na hindi ko na ipagpiilitan pa

Dahil sa alam kong ikaw ay sumuko na nga

Bumitaw ka na parang ikaw lang yung nakakapit

Bumitaw ka na parang ikaw lang yung nasasaktan

Nasasaktan na akala mo di ko den ramdam

Ramdam na sana ako'y isang manhid nalang

Isang manhid na gaya mo

Gaya mo na hindi ramdam na nandito ako

Nandito ako na laging sumusubaybay sa yapak mo

Yapak mo na laging sinusuportahan ko

Suporta ko na ngayon wala na sayo

Wala na sayo gaya ng damdamin ko

Damdamin ko na sinayang mo

Sinayang mo na parang pag ibig ko

Hugutan mo pa Bes😂Where stories live. Discover now