Pag lagas ng damdamin kong wagas💔

14 0 0
                                    

Simula nanaman ng tag lagas
Tag lagas ng mga dahong lumalagasgas
Na patuloy sa paglaglag at pag hahanap ng kanilang mga landas
Kasabay ng pag laglag at paglagasgas ay ang paghihiwalay ng ating mga landas
Landas na sabi mo hindi magwawakas
Gaya ng pagmamahal kong wagas
Wagas na parang huni ng mga ibon na hindi nakakasawang pakinggan
At parang gripo na walang tubig na lumalabas
Gusto ko na sana tong tapusin
Tapusin gaya ng aking damdamin
Gaya ng dahon na tinatangay lang ng hangin
Gaya ng ibon na lumilipad sa Kaulapan
At hindi alam ang patutunguhan
Patutunguhan na sana ako'y  maligaw nalang
Maligaw, na sana ang damdamin ko na ikaw lang ang isinisigaw
Sinisigaw ng puso ko'y ikaw
Ikaw na laging nasa tabi niya
Ikaw na laging nakangiti pag kasama niya
Ikaw na parang walang alam na nakakasakit na
Napakasakit lang isipin na hindi ka mapapasakin
Hanggang dito nalang,Paalam kaibigan

Hugutan mo pa Bes😂Where stories live. Discover now