Sa Boracay

27 2 0
                                    

Umihip ang hangin
Paang puno ng buhangin
Paghampas ng alon
Sa lungkot ay aahon


















**
Ang ganda dito sa Boracay sa totoo lang. Sobrang nakakagaan ng loob. Sobrang kalmado. Parang ang sarap matulog dahil sa ihip ng hangin. Pero nanaisin mo din na magising na lang dahil sa magandang tanawin. Ito yung gugustuhin mong mahiga na lang tapos makipaglambingan sa jowa mo pero sa katulad kong iniwan ng jowa ok na tong magandang tanawin. Pero sa totoo lang nasisira ang magandang view na nasa harapan ko dahil sa nakakarindi at nakakainis na pagtunog ng cellphone ko. Bwisit talaga tong Jake na'to. Wala ata akong balak tigilan. Mabigyan nga ng isa 'tong walang hiyang to.

"Fuck you Jake. Wag ka ng tumawag. Never again"

Hindi ko hahayaang sirain niya ang magandang trip na 'to. For two years hinayaan kong umikot lang ang mundo ko sa kanya. Tapos kabet lang pala ako ng loko. Walanghiya siya! I'm still enjoying my freedom. I am still hurting , i'm still broken , but I will surely find my way home. Ang laki pala ng mundo tapos sinayang ko lang ang dalawang taon ko sa iisang napakawalang kwentang lugar. Pangalawa pa lang 'to.  Meron pang walo at baka magdagdag pa ko ng sampu depende sa mood ko. Salamat sa mga masisipag kong magulang at sa napaka responsable kong mga ate at kuya. Advantage of bunso, you say? Hehe. Pero wag po kayong mag-alala unti unti naman na pong naaalog ang utak ko pasasaan po ba at magkaka interes din ako sa negosyo natin. Sa ngayon, let me enjoy this first para naman kahit papaano mabawi ko ang dalawang taong pagiging tengga ko kay Jake.

"What the heck!!!"

"Sorry,  sorry! Hinahabol ko kasi yung aso tapos na out of balance ako kaya natapon yung juice. I'm really— Maine?"

"Rj?"

"Wow. Coincidence."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Something ahm.. personal?"

"Ahhh.."

"Ikaw?"

"Mending my broken heart?"

"Hmm. How are you doing?"

"Okay naman, enjoying the view. Relaxing. Until you ... you came"

"Sorry, sorry talaga di ko sinasadya"

"Ang lagkit ko na tuloy, kalaki mong tao, lampa. Ano bang nangyari?"

"May hinahabol kasi akong aso— tama! Yung aso!"

"Aso?"

"Yes. Sorry ulit Maine, bawi ako next time na ahm .. magkita ulit tayo? I really need to find the dog. It was nice... nice seeing you"

**

"Wohooooo!  Yes!  Wooooooh!"

"Ma'am"

"Thanks. Bottoms up!  Wohoooooo!!!"

"Syet.  Nahihilo na ako.  Hahaha.  Punyeta. Haaaay! Wohoooooo!!!"

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now