Sa L.A

23 2 0
                                    

"Ay tanga! Naku naman Nicomaine napaka clumsy mo talaga kahit kailan"

"Ah, excuse me?"

"Yes?"

"Kababayan?"

"Kababayan! Oy! Musta?"

"Ayos lang. Ikaw? Manonood ka din ng concert?"

"Hindi. Kaya nga ako andito diba? Hello? Hahaha"

"Haha. Sabi ko nga. Ah. Ako ngapala si Sef"

"Hi Sef. Maine"

"Maine. Gandang pangalan ah? Bagay sa'yo pareho kayong maganda"

"Hala. Unang kita pa lang nambola na. Haha"

"Bola agad? Di ba pwedeng honest lang?"

"Hahaha. Sabi mo"

"So ano? Sabay na tayo, tara?"

"Sige, tara?"

"Pero teka sa V.I.P kasi ako eh, gift to sa akin ng mommy ko. Birthday ko kasi. Hehe"

"Oh? Talaga. Happy Birthday! Swerte mo naman, nasabay pa sa concert ng Coldplay"

"Oo nga eh. So, san ka nga ulit?"

"Sa Gen.Ad lang ako. Nabili ko lang to kasi don kay ate"

"Ahhh.. Pwede naman akong mag-Gen Ad na lang din para may kasama ka"

"Naku, hindi. Ok lang."

"No. I insist. Ok lang samahan na lang kita"

"Ah.. Hehe"

"Ano tara? Oh? Bakit parang may hinahanap ka?"

"Ah hindi. Wala naman. Sige, mauna ka na. Susuno—mmmmmmmmmmmppppppppphhh"

"Rj?"

"Hi, Maine!"

"H.. Hi"

"Ah? Excuse me? Nakakaistorbo ba ako?"

"Oo. Bakit?"

"Rj! Naku Sef, pasensiya ka na. Joker kasi to si Rj"

"Ahh joker. Hahahahaha!"

"HAHA"

"Rj si Sef, nakilala ko siya dito, ngayon lang sa concert venue. Sef si Rj—"

"Boyfriend mo?"

"Ahh, hindi .. ano ... ahh.. Friend?"

"Friend? Hindi ko alam na ganon na pala binabati ang friend ngayon"

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman brod"

"Kapatid ba kita?"

"Ano?"

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now