Chapter 8

263 14 9
                                    

Authors note

Okay heto na magdodouble update ako pambawi lang kung di ako makapag update agad ha? Hahaha
Wag na tayong magdaldalan pa heto na!

"Soon"

Loisa

"Whats wrong with being , whats wrong with being , whats wrong with being confident?" At sabay kaming nagpose sa huli.

"Okay girls! That was very great! Take 5" wika ni Teacher G sa amin.

Puro rehearsals muna kami ngayon to prepare for  the live shows.

Nakakapagod kung iisipin pero di naman pala. With these girls with me its mostly just an enjoying experience. Mas nakilala nga namin ang isat isa nang makapagbonding kami. Nalaman namin ang strengths ng isat isa.

Si Ylona ang pinaka vocally talented sa amin at sya ang taga hit ng highest notes ng kanta sa amin.

Sumunod naman si Maris na syang taga harmonize ng mga kanta namin. Maris actually works hand in hand kay Kira.

Malinis kumanta si Kira kaya masarap pakinggan ang mga kulot nya.

Kung silang tatlo ang may strength sa kantahan kami naman ni Andrea ang may swag sa sayawan. Kaya dahil alam na namin ang mga kakayhan namin ay alam na namin ang mga gagawin namin sa aming mga performance.

"Guys galingan natin para umabot tayo sa finals!" Masiglang wika ni Andrea habang patalon talon

"Dahil pag ganon mapapansin na tayo nila Daniel Padilla , Enrique Gil , James Reid..." Dagdag ni Andrea habang nagdadaydream

Napatawa ng kalmado si Kira

"Were not doing anything for boys , were doing this for ourselves." Matatag na sinabi ni Kira

Di ko pala namention na VERY coldhearted si Kira pag usapang boys. Kalmado sya at mala anghel sa mga babae pero pag may lalaking nagpapansin sa kanya lalangawin na lang yun kakatry.

"Are BoybandPH coming to the finals?" Tanong ni Ylona.

"Boyband who?" Tanong ko.

"You know , the one with Russell , Tristan , Jo-"

"GUYS TARA NA MAGPRACTICE NA TAYO PARA MAKAABOT TAYO SA FINALS" sigaw ni Maris ng bigla bigla na maging dahilan upang magulat kaming lahat. Hinihila nya si Ylona patungo sa gitna ng rehearsal room.

Strange for Maris to react like that. Pero mas strange pa ang pag iiyak nya kagabi.

Sino nga ba talaga si Amanda? Bakit sya iniiyakan ni Maris?

Ilang ulit din sa performance namin at natapos na din ang rehearsals namin para sa araw na yon.

Wala muna kaming girls gala dahil baka maubusan kami ng pera kakaorder na naman ni Adrea ng mga pagkaing di naman nya nauubos.

Nang maka uwi na kami ni Maris ay agad itong napabuntong hininga paglabas ng kotse.

"Finally pwede na tayong magrela-" pero napatigilan ito sa pagsasalita nang mabuksan nya ang pinto.

Maris just froze.

"Maris? Bakit?" Tanong ko sa kanya habang palapit sa pintuan

May biglang lumabas galing sa pinto.

Lalake?

Lumagpas ang tingin nito kay Maris at derechong tumingin sa akin. At dun ko napansin ang namumuong luha sa mga mata nito habang pinipilit na ngumiti.

The Real Ever After ( A Constancia and Andalio Thing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon