Chapter 5

218 13 4
                                    

Authors note

Oh heto na guuuuuys! Hahaha
Intindihin nyo lang talaga na dami kong ganap sa life kaya di ako makakapag update kaagad.

"Auditions"

Loisa

"Manong dito lang po." Senyas ko sa driver at bumaba na kami ni Maris sa kotse. Kakarating lang namin sa ABS CBN. Heto na audition day na ngayon.

"Diba sabi mo sa akin screening pa? Eh ba't derecho na tayo sa auditions?" Tanong ni Maris sa akin habang papasok sa building.

"Di ko din alam , basta basta lang akong ininform na for auditions na daw tayo. Sapat na daw yung mga nafill up natin sa forms paa maging qualified." Reply ko sa kanya at kitang kita ko na kinakabahan din sya.

"Pinay GirlGroup Superstar auditionees?" Tanong isang isang taga ABS CBN na staff.

Sabay kaming tumango ni Maris at agad naman nitong binuksan ang isang pintuan. Nang makapasok kami ay kitang kita na busy ang lahat para sa auditions.

Ang iba nag rerehearse ng kakantahin , yung iba nag reretouch ng make up tsaka yung iba inaayos ang suot.

Umupo lang kami ni Maris sa sofa.

"Maris Racal?" Sigaw ng isang staff habang hinahanap hanap sya. Agad na tumayo si Maris at tumingin sa akin.

"Goodluck out there!" Cheer ko sa kanya at agad nya akong binigyan ng ngiti at tuluyang umalis.

Mag isa na lamang ako ngayon na nakaupo sa sofa. Napapatitig ako sa ibang girls and they just look so ... perfect.

May chance nga ba ako na manalo dito?

Napabuntong hininga na lamang ako.

"You look so down?" Napatingin ako sa aking gilid at nakita kong may umupo na pala sa sofa.

"No im just nervous..." Di ko alam ano idudugtong ko dahil di ko naman alam pangalan nito.

"Kira. And you are?" She said giving me a smile

"Loisa." Sagot ko habang ngumiti pabalik.

"Well dont be nervous Loisa , you'll be just fine out there." She sat closer and hugged me

"Thanks Kira" i said and both of us laughed.

Nagkwentuhan muna kami ni Kira for a couple of minutes. She's very comforting at alam ny kung ano ang sasabihin sa mga tao paa mapagaan ang loob nila. Pareho pala kaming outcasted dahil wala din syang ibang kakilala dito. Mahinahon lang sya magsalita and she speaks a lot of english also. She seems very calm and gentle and i like being in her presence already.

"Loisa tinatawag ka na!" Sambit ni Maris habang palakad tungo sa akin.

Tumayo ako at tumingin kay Kira na binigyan ako ng two thumbs up. Tapos napatingin ako kay Maris na niyayakap na ako ngayon.

Pagkatapos ng yakap ay derecho na akong napatungo sa backstage

"This is it Loi..." Bulong ko sa aking sarili

The Real Ever After ( A Constancia and Andalio Thing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon