Chapter 4

272 14 43
                                    

Authors note

Hey guys! Sorry kung di na naman ako nakapag update kaagad. May sinalihan kase akong summerschool kaya nawalan na ako ng free time. Pero dont worry dahil heto na!
Hindi ko na to patatagalin pa , enjoy this chapter!

"Almost"

Joao

"Joao" a faint voice calls me again.

Im on the same road once again. Pinilit ko na di lumingon dahil sa takot. Ayokong lumingon dahil ayokong mawala ka sa akin. Pero sa halip ng tumawag sya ulit ay niyakap nya ako from behind.

And before i could react ay may malakas na busina akong narinig at biglang may bumunggo sa amin.

I gasped for air and opened my eyes.

"It was just a dream..." I whispered to myself habang pinapahiran ang mga luha ko na nasa  aking pisngi.

Napaupo ako sa gilid ng aking kama habang napatingin sa relo.

Its 9:45 AM.

Sa wakas nagkaroon din ako ng desenteng tulog. Its been a day kase nang umuwi kami galing sa pagto-tour sa buong Pilipinas paa mag mall show.

Naglakad ako tungo sa labas ng kwarto at nakita ko na sila doon.

Si Ford nagluluto ng breakfast.

Si Niel excited na naghihintay na matapos si Ford dun sa mesa.

Naririnig ko naman si Tristan sa loob ng banyo kumakanta.

Si Russell di ko pa nakikita. Malamang nililigpit pa nya ang higaan nya.

Oo , since isa kaming grupo ipinatira kami ng management sa iisang bahay. Medyo magulo pero masaya naman kaya sulit.

"Gising ka na pala." Mahinahong wika ni Ford habang inilapag sa mesa ang niluto nitong omelet.

"Umupo ka na dito Joao!" Sa akin ito sinabi ni Neil pero ang mata nya derecho lang sa omelet na nasa harapan na nya.

"I smell food!" Agad na bumukas ang pintuan sa kwarto ni Russell at kumalipas ito ng takbo tungo sa mesa.

Napaupo na kami lahat sa mesa. Wait , lahat pala except kay-

"I dont wanna live! Forevaaaaah!" Pagkakanta ni Tristan

"Tristan kakain na tayo!" Sigaw ni Neil

"Mas nauna ka pang naligo kaysa sa pagliligpit ni Russell! Lumabas ka na jan!" Sigaw na naman ni Ford pero parang di ito narinig ni Tristan kakakanta nito.

I cleared my throat and cupped my hands over my mouth.

"Tristan! Bro! May magandang chix akong nahanap sa IG!"

Agad na nagsara ang gripo at bumukas ang pinto ng cr

"Talaga? Sino?" Wika nito habang nilagyan ng twalya ang buhok nya

"Works everytime." Mahinang bulong ni Russell at nagtawanan kami apat.

Sabay kaming lima kumain.

The Real Ever After ( A Constancia and Andalio Thing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon