So ayun na nga nakaclose ko na sya at nalaman ko na kung sino mga kapatid nya then inadd ko sa fb yung mga kapatid nya. Magkachat kami lagi. Edi tuwang tuwa lagi ang lelong mo. Ito na magbibirthday na sya edi syempre pabida kaya ito may teddy bear at sinubukan ko sya idrawing kahit hindi nya kamukha syempre effort diba. So ito na nga more than 1 year din kaming magkachat ni Jean. Inaccept ako ng kapatid nya si Julie. Kaya ito naman ako paimpress sa kapatid nya papapoints baga. Success naman ang plano ko. Nakaclose ko si Julie at lagi ko syang kachat. Sya ang taga picture ko sa ate nya at taga update ko. One time hinire ko syang personal spy ko kay Jean. Haha kapatid eh kaya madali nalang sakanya. Ililibre ko sya weekly yun yung sahod nya. Unang sahod nya is sundae samay school namin. Sumunod dun is sundae uli pero samay plaza naman. Tapos nung pangatlong sahod nya na nitong December niyaya ko sya magJollibee tag isa kaming sundae at fries. Nagkwentuhan kami. Mga kalokohan at kakulitan. Umikot rin kami dito sa mall malapit samin. Naisip naming umupo sa open ground nitong mall na to tapos dun kami napatagal magkwentuhan. Kwinento ko sakanya buong buhay ko. Mula sa mga dati kong best friend na iniwan ako. Mga ex ko and past lovelifes. Kwinento ko sakanya lahat pati storya ng mga magulang ko. Ewan ko ba pero sobrang gaan ng loob ko sakanya nung araw na yun. Parang gusto kong humiga sa nga hita nya kaso nakakahiya at baka mailang sya. Naulit yun after christmas party namin niyaya ko sya sa National Bookstore kasi naghahanap ako ng Speedball yung sa calligraphy. Sabi ko sakanya pag wala akong nabili ililibre ko nalang sya. Nag ikot muna kami sa nbs pinagtitripan bawat libro at mga art materials dun. Umakyat kami sa books corner tumingin tingin sya ng mga Niponggo Dictionaries. May naamoy akong mabaho. "Beshi ambaho. Nangangamoy ka ata" biro ko. Btw oo beshi tawagan namin sya ang naging best friend ko.
YOU ARE READING
I Fell Inlove With My Beshi
AcakWhat if mahulog ka sa bestfriend mo?anong gagawin mo?do you take a risk?pano kung ayaw sayo ng mga kaibigan nya?pano kung halos lahat ng nakapaligid sainyo ayaw sayo?ayaw para sainyo?gagawa ka ba ng paraan o susuko ka nalang?