Chapter 7

6 2 0
                                    

Aria's POV:

"Office.. Later." Bulong ng kapatid ko habang nagliligpit ng gamit.

Katatapos lang ng first subject. Hindi na ko sumagot dahil mukhang importante naman talaga ang kailangan naming pagusapan. At isa pa, may kailangan rin talaga akong gawin. Hindi ko pa nalilimutan ang mga mababait na mga estudyanteng sumalubong sakin. Madali ko nalang rin namang malalaman ang mga pangalan ng mga 'yon dahil mukhang kilala sila ng dalawang makukulit na lalaking nasa harapan namin.

Prenteng-prente lang akong nakaupo habang naghihintay na dumating ang prof namin para sa sunod na klase. Halos lahat sila ay maiingay at nagkukwentuhan. Yung iba pa ay lumipat ng upuan. May mga nakatayo, naglalakad, at malakas magtawanan.

Hingang malalim na lang ang nagawa ko matapos pagmasdan ang mga kasama ko sa room. Nakakarindi. Kung pwede lang ay nagdabog na ko dito.

"Want these?" Pag-aalok ni Ares ng kanyang earphones.

Umiling ako. "I have my own."

"Use it. Alam kong naririndi ka na. Baka bumaha pa ng dugo dito pag di ka na nakapagtimpi." Humalakhak pa siya pagtapos ng sinabi.

Bumuntong-hininga ako para lang madagdagan ang pasensya. Kung nakakadagdag nga ba 'yon.

Napabaling ang tingin ko sa likod ng mga nasa harapan ko. Kanino ba ko magtatanong? Parehas silang makulit at pakialamero. Malamang ay kapag nagtanong ako, susundan na rin agad nila ng tanong pagtapos. As if I owe them an explanation.

Bahala na nga.

Sinipa ko ang upuan ng nasa harapan ko. Iyon lang ang sinipa ko pero sabay silang lumingon sakin. May pagtataka sa mga mukha.

Nakaekis lang ang mga braso ko habang nakadekwatro. Tinaasan ko ng kilay si Cliff nang makita kong ngumisi siya. See? Wala pa nga ay malikot na agad ang isip niya. I bet he's gonna start saying nonsensical things.

"Why? Missed me already?" Tonong malandi at nang-aasar pang gamit niya. Bilib na ko sa lakas ng loob niyang mag-feeling.

Napangiwi ako. Is asking him a good idea? I surely bet, it's not.

"Remember my first day?" Umayos ako bahagya ng upo para mas madali kaming magkaintindihan. Wala nang kawala dahil upuan na niya ang nasipa ko.

Kumunot ang noo niya at parang nag-isip.

"Yung sa canteen." Pagpapatuloy ko para maalala na niya. Kung hindi pa rin ay iisipin ko na talagang tanga siya.

"Ah!" Bahagya pa kong napaiwas dahil sa biglaang sigaw niya. Tumango-tango pa siya na mukhang naalala na nga. "Oo. Naaalala ko na. Bakit?"

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"List their names. I need it now."

Tumikhim ang kapatid ko sa gilid. Lumapit siya samin na parang interesado talagang makiusyoso. I can literally kill nosy people. They freakin' annoy me.

"Bakit, Aria? Ginulo ka ba ng mga 'yon?" Pang-eepal na rin nang isa pang pakialamero. Si Dale.

Hindi ako sumagot imbes ay tinitigan lang siya. Para bang nakuha niya agad ang ibig sabihin ng titig ko at napatango-tango agad. Psh.

"Irereport mo ba sila kay Mr. Andrade? Kung gusto mo ako nala-" pang-aalok ni Cliff na siyang pinutol agad ng isa pang epal. Ang kambal ko.

"No need. I can handle that." Aniya bago bumaling sakin. "I already have their names, Ari. Don't worry about it."

The Infamous TwinsWhere stories live. Discover now