It was a tiring Sunday for Agatha Cadwell. Kagagaling lang kasi niya sa mall kanina, she bought some stuff na kailangan sa school dahil bukas na ang pasukan.
Mabait siya kung mabait ka din sakanya pero may kasungitan minsan. Her attitude depends on how you deal with her.
Kilala sa school si Agatha because of her looks and glamour. She could sweep anyone off their feet by just mere breathing. Halos lahat ng lalaki sa University ay nagkakagusto sakanya. Famous siya mapa-social media man o in person. Hindi siya marunong makipagkaibigan. Hindi siya sociable na tao. Nabubuhay siya sa sarili niyang mundo. Ayaw niyang buksan iyon para may makapasok na tao sa buhay niya. Ayaw niyang may manghusga sa kanya, at ayaw niya rin na may taong umaasa at tumutulong sakanya.
Tumunog ang isang maliit at kulay pink na relo na nasa study table ni Agatha. Sign iyon na kailangan na niyang bumangon at maghanda para pumasok sa paaralan. Pagtunog pa lamang nito ay agad na bumangon sa higaan ang dalaga. Bumaba siya at dumiretso siya sa banyo upang makaligo.
Bumaba na ito pagkatapos mag-ayos, pumunta siya sa dining room kung saan nakaupo na rin ang mommy niya para mag-almusal dahil papasok rin ito sa trabaho. Bago pa man ito makaupo ay binigyan niya muna ng halik sa pisngi ang ina.
"Good morning Ma." bati nito sakanya. Gayundin naman ang tinuran ng ina.
Hindi masyadong nag-uusap ang mag-ina dahil narin siguro sa trabaho. Kung dati nagagawa pa ng kanyang ina na makapunta sa kwarto ni Agatha, ngunit ng dumaan ang araw ay malimit na lamang niya itong makausap at makita sa bahay. Wala na itong ama dahil namatay ito sa isang plane crash. Sobrang naging emotional ang mama nito, muntik na niyang mapabayaan ang kanilang kompanya. Buti na lamang ay natulungan siya ng kasambahay nilang si Manang Ellie na iparealize na ganoon talaga ang buhay may nawawala at may dumarating na panibago. Hindi man nito katulad ng dati pero magiging maayos din kapag nasanay kana.
Bumalik man sa dati ang kaniyang ina ngunit hindi naman katulad ng dati na masayahin. Naging workaholic ito, hindi na niya natututukan ang kaniyang anak. Hindi na nito alam kung ok lang ba ito. Gayunpaman iniintindi na lamang ni Agatha ang sitwasyon ng kanyang ina. Masakit man pero hindi naman ito maikakaila na lahat ng bagay ay nagbabago. Kayang baguhin ng isang sitwasyon ang bagay o ang isang tao. In just a blink of an eye. Mapapanganga kana lang.
Maagang natapos sa pagkain ang kaniyang ina, ni hindi man lamang nito nagawang nakapagpaalam sa anak bago pumunta sa opisina. Naiintindihan naman na iyon ni Agatha. Besides, para rin naman sakanya ang ginagawa ng kaniyang ina, kaya naiintindihan naman niya iyon. Kinalaunan natapos narin siya sakanyang almusal, kinuha na niya ang kaniyang bag at sumakay sa kotse upang makapunta na sa eskwelahan.
Pumasok na si Agatha sa University. Earphones were plugged. She is irritated by the crowd. Ganyan kasi lagi yung sitwasyon niya.
Habang naglalakad siya papunta sa designated classroom ay may biglang humarang sa kaniyang dinaraanan. A student from the lower years. Paano ba naman kasi buong school kilala siya.
"Ate Agatha? Can I take a picture with you? Idol na idol po kasi kita e. Please?" pagmamakaawa ng babae. Nginitian niya lang ito at nilagpasan. Wala na siyang pakialam kung ano man ang sabihin nito. She's there to study. Hindi siya artista for fvck's sake.
Nagtungo na siya sa room na sadya niya, nasa second floor ang room niya. Tila reyna ang entrada niya dahil sa bawat pagdaan niya ay yumuyuko at tumatabi ang mga estudyante para maggive way sa kanya.
Pagpasok na pagpasok pa lamang niya ay pinagtitinginan na siya ng kaniyang mga kaklase. Literal na napapanganga ang lahat ng mga lalaki na tumitingin sakanya. Wala ng bago.
Minutes have passed.
"Good morning class, I am Antoinette Guevara your class adviser this school year. I want you to introduce yourself in the front so that we can know each other better. Lets begin at the back Ms.??"
Ng tumingin ang adviser ni Agatha sa kanya ay tumayo na ito para magpakilala sa harapan.
"Hi everyone, I am Agatha Cadwell, 19." maikling pagpapakilala nito. Hindi pa nakakabalik sa upuan si Agatha ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang bagong mukha. Hindi nito pinansin si Agatha bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad papunta sa
bakanteng upuan. Napapitlag si Agatha. How dare him. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Hindi ba siya nito kilala?
Padabog siyang nagtungo sa kinauupuan niya, right beside nung lalaking dumating. She look at him and she realize that he really got the looks. Gosh, is she checking him out?
BINABASA MO ANG
Introverted
General FictionShe's at the top of her school's equilibrium. He was at the rock bottom. She was the center of all the attention the world could offer. He was the invisible one. What will happen if their worlds collide? Will it be a complete disaster? Or a happily...