Hanggang ngayon hiyang-hiya parin si Agatha sa sarili. Kung bakit niya pa kasi nagawa iyon. Sa pagkainis niya'y hindi niya na alam kung anong pinaggagagawa niya. That guy is making her crazy!
Habang naglalakad siya sa hallway ay tinatakpan takpan niya pa ang kanyang mukha sa sobrang pagkapahiya. She's afraid na baka mayroong isa sa mga classmates niya ang makakita sa kanya. Gusto na lamang niyang lamunin siya ng lupa at tuluyan ng mawala. Hindi normal para sa isang Agatha Cadwell ang mapahiya ng ganoon. Oo, sanay na siya na siya lagi ang sentro ng lahat ng atensiyon. Pero, hindi ang ganoong klasing atensiyon. She can just imagine how the whole class laugh at her. Pati si Blaire ay hindi rin siya pinatawad. Sa kabila ng embarrassment na natanggap niya, nagbunga rin pala iyon ng maganda. At least she saw him laugh. At kinikilig siya sa ideyang siya ang dahilan ng pagtawa ng binata. Kahit siguro ilang beses siyang mapahiya ay carry lang, basta ba she could be the reason behind his laughter. She remembered how cute he was while laughing. Those perfect set of teeth just melted her heart.
Naputol ang kanyang trail of thoughts dahil sa hagikgikang narinig. Pagtingin niya ay may tatlong babae na sa kanyang harapan. Makapal ang mga kolorete nito sa mukha. Parang make-up na tinubuan ng mukha. Hindi niya mawari kung school ba ang sadya ng mga ito o papunta talaga sila sa isang children's party. Para maging clown. Napangiwi pa siya ng biglang magsalita ang nasa gitna. Siya siguro ang leader na nagsabi ng quack quack. Chenna lang.
"The one and only Agatha Cadwell.", pailing-iling na sabi nito. "Tapos mo na bang pag-isipan kung paano mo mapuprove yang kagandahan mo?", tumawa pa ito.
Sinasabi na nga ba niya. Hindi basta basta mapapalampas ng mga haters niya ang nangyari. Mas mabilis pa sa internet connection ang pagsagap ng balita ng mga ito. Maling kilos niya lang ay paniguradong headline na naman iyon sa school. Ganoon siguro talaga kapag maganda, laging hot topic.
Imbis na patulan pa ang mga ito ay hindi na siya umimik. Lalagpasan niya na sana ang mga ito ng biglang hinigit ng echuserang palaka ang kanyang braso napangiwi siya sa sakit. Bumaon ang mga kuko nito at paniguradong magmamarka ang mga iyon. Wala itong karapatang saktan siya! Tinitigan niya ito ng masama. She's triggered.
"Tigilan mo na nga yang pagka-epal mo! Alam naman nating lahat na mas maganda parin ako sayo. Wag ka nang umasa Cadwell dahil ako parin ang nag-iising dyosa sa buong university na ito!", nanlilisik ang mga matang turan ng babae.
Sasagot na sana siya ng makita si Blaire na paparating. Siya na ba ang night in shining armour nito? Parang nagsecelebrate ang puso niya kahit para na siyang damsel in distress sa mga kuko ng impaktang babaeng ito.
But as she got her hopes up, para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig nang walang pagdadalawang isip si Blaire na nilampasan sila. Tinitigan lamang siya nito, at hindi man lang nag-atubiling kamustahin siya sa kanyang sitwasyon. Para lang siyang hangin na dinadaan daanan nito. Gusto niyang maiyak habang pinagmamasdan ang likod nito palayo. Alam niyang hindi naman nito responsibilidad ang ipagtanggol siya. Pero nasasaktan pa rin si Agatha na malaman na hindi man lang nito sinubukang tignan ang kalagayan niya. Classmates naman sila diba? Where's his fvcking humanity?!
Nakatunganga pa rin siya dito kahit ilang segundo na itong nawala sa paningin niya. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang itulak ng babaeng kanina pa may hawak sa kanya. Nanakit ang kanyang katawan sa pagkakahampas nito sa pader. Pero wala na sigurong mas sasakit pa sa puso niyang nagdadrama. Wala nga talaga itong pakialam sa kanya. And it breaks her heart. It's really painful na mahulog sa taong hindi man lang mag-aaksaya ng oras para saluhin ka.
BINABASA MO ANG
Introverted
General FictionShe's at the top of her school's equilibrium. He was at the rock bottom. She was the center of all the attention the world could offer. He was the invisible one. What will happen if their worlds collide? Will it be a complete disaster? Or a happily...