II

40 7 0
                                    

Hanggang ngayon hindi parin makapaniwala si Agatha na may tao sa university na hindi nakakakilala sa kanya. Hindi naman iyon big issue, pero hindi niya mapigilang mag-isip tungkol doon. E ano ngayon kung hindi siya pinansin nito, anong pakialam niya.




But then, kahit gaano niya iyon itanggi sa sarili niya, seems like his attention matters to her.





As she was making her way to the cafeteria, bigla siyang natumba parang nakabunggo siya ng pader. And to her amazement, tumambad sa kanya ang lalaking kanina pa tumatakbo sa isipan niya.



"Sorry" sabi nito at bigla ng nag-iwas ng tingin. Sumibat ito ng walang pasabi. At hindi man lang siya nito tinulungang makatayo. What's with him really? At bakit ba siya sobrang affected? She is Agatha Cadwell for Pete's sake! Maraming nagkakandarapa sa kanya, pero bakit siya parang sabik na sabik sa atensiyon ng lalaking iyon. She doesn't even know him.

IntrovertedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon