Aiden Caleb Reyes in the Picture.
----
Inaayos ko na yung mga gamit ko na yung mga gamit ko. Papasok na kasi ako ng bagong school ko. Almost 2 months na din akong nakatira sa bagong asawa ng Nanay ko. Masasabi kong madaming nagbago. Mula sa pananamit, gamit at pustura ko. Si Tatay kasi (yung asawa ni nanay. Ayoko tawaging Daddy napakasosyal naman din kasi.) Nag hire ng tao para turuan akong maging ganap na babae. Siguro sa tingin nya mukha akong lalaki. Todo kasi kung makapag effort!Masasabi ko naman na maganda naman ang trato samin ng bago kong tatay. Ngayon ko masasabi na ganito pala ang feeling ng may Tatay ka. Simula sapol kasi di ko pa nakikita yung Tatay ko. Ang sabi lang kasi ni Mama, isa syang Koreano daw. Kaya ang puti ko talaga kahit na sa probinsya na ako lumaki. Nakilala nya daw yun nung nagtrabaho sya sa isang Korean Company dito sa Manila. Eh?! Kaso si Nanay medyo malantod jinowa yung Amo nya. Kaya ayun nabuo ako! End of Story!! Hahaha ayoko kasi ng drama.
Complete na masaya na sana ako e. Kaso may isang kupal lang talaga dito sa bahay nato. Walang iba kundi yung anak ng Tatay kong hilaw! Sobrang nakakaines yung ugali. Pogi naman na sana, kaso di naman sinama ang ugali. Alam nyo ba ano tawag sakin! "Nanny" man lang. Di nya nalang ginawang Nanay diba! Baka matanggap ko pa e. Kaso Nanny diba Yaya yun? Nakakaines diba. Kaya di ako lumalabas ng kwarto ko pag alam ko wala sila Nanay sa bahay. Ayoko ko sya makita kasi sa isip ko nagiging criminal ako.
Anyways! Kelangan ko maging fresh kasi new beginning ito ng aking buhay po. Hahaha chos. Ito na, kelangan naman na fresh ako malay mo may boylet diba. Medyo malandi na ba? Pero syempre dalagang pilipina kahit na half korean ako. Pero nangingibabaw naman ang kultura ng pagka Pinoy ko!
Naka white v-neck lang ako with matching boyfriend's jeans buti pa yung jeans ko meron Jowa ako wala hahaha hugot. Then yung sapatos ko ay yung binigay ni Tatay na Nude Converse ko kulay Pastel Pink. Naglagay lang ako ng konting make up to be specific gandang polbo at liptint lang ako. Ganern! Di naman ako marunong magkilay e. Kaya awra na!
Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na ako ng kwarto ko. Actually magkatapat lang kami ng kwarto ni Ulupong kaya minsan nakakasalubong ko sya. Pero ngayo sa awa ng Diyos, safe akong nakalabas ng aking kwarto. Bumaba na ako at kumain na ng agahan. Andun sila Nanay at Tatay kumakain. Binati ko sila ng Goodmorning at kumain na. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng biglang bumaba na yung Ulupong mula sa kanyang lungga. "Goodmorning Caleb! Kain na!" Bati ni Nanay sa kanya. Ngumiti lang ito sa kanya at umupo na. Infairness naman sa kaya at di sya tutol sa relasyon ng mga magulang namin. Nalaman ko din kasi na di sin maganda past ng mga magulang nya. Kaya ayoko na malaman pa kasi I'm sure nagmana sya sa Nanay nya. Ang bait naman kasi ni Tatay kaya di ko alam san nya nakuha yung ugaling taglay nya.
Patapos na ako ng pagkain ko at tatayo na sana ako ng biglang magsalita si Tatay. "Ah! Jessica. Caleb will acompany you to your school. Since pareho naman kayo ng School. You can ride on Caleb's car. For the mean time kasi di ka pa marunong magdrive." Marunong naman sya magtagalog kasi half of his life dito na sya lumaki kasi andito ang business na iniwan sa kanya ng mga magulang nya. At naloka ako sa isasambay ako ni Caleb! Baka literal na akong maging Criminal neto. "Ah! Tatay okey lang po. May jeep naman po sa labas ng subdivision. I can manage!" Ngiti kong pahayag sa kanya. "I insist Jessica. Para safe ka naman. At mapanatag yung Mommy mo." Dugtong naman nya. Kaya naman ay sinipat ko si Nanay. Tinignan ko sya na "Nanay tulungan mo ako. Ayoko pang makulong!" At parang nagets naman ni Nanay. "It's okey honey! Si Jessica kasi nahihilo pag Aircon at nasa byahe. Okey naman sya sa Jeep. May tiwala naman ako sa kanya!" Sabi na aking tagapagtanggol na Mudra. Tumango nalang si Tatay na parang sinasabing kami ang nagwagi ni Nanay. Tinignan ko naman yung gawing kaliwa ko kung san nakaupo at kumakain si Caleb. Parang wala naman sya naririnig kasi di nama sya nag react. Siguro the feeling is mutual ayaw namin makasabay ang isa't isa. Kaya naman kinuha ko na bag ko at beneso ko na sila Nanay at Tatay. Lumabas na ako ng bahay at nakita ko sa may Garden si Yaya Amanda. "Babye Yaya Amanda!" Paalam ko sakanya at sya naman ay kumaway sakin.

YOU ARE READING
Future Boyfriend
Fanfiction"Ikaw lang yung unang lalaking sasabihan ko neto, at di ko akalain na ikaw ang masasabihan ko neto. I love you Caleb!❤❤" -Jessica