BAEKHYUN's POV
Nakalimutan ko na yung gutom ko na dahil sa yakap ni Regie pero feeling ko dinudurog parin ng luha nya ang puso ko sa tuwing papatak ang mga ito
Nakalimutan ko rin na ako nga pala yung bibili ng pagkain ng ilang members pero pagtingin ko sa may hagdan nandoon na sila
Errr .. Pano ko ba ito ipapaliwanag sa kanila ? Hindi ko naman kase pwedeng sabihin sa kanila kung ano problema nya kase sabi nya sa aken ayaw nya daw na may makakaalam kase ayaw nya ng kinakawawaan
Nagtitigan lang kami ng ilang mga members , at nagbibigay sila ng isang mahiwagang titig na nagtatanong , binigyan ko naman sila ng isang mamaya-ko-ipapaliwanag-look , mahirap na kase
Pero biglang ngumiti ang ilang members , kanina ko parin kasi napapansin na nag-iinit ang pisngi ko , siguro napansin nila iyon kaya sila mga nakangise , nako , humanda sila sa aken mamaya
Nag-abot naman sa akin ng isang papel si SuHo at may nakasulat dito
"Namumula ka ahh" -- nakasulat sa papel at pinandilatan ko na lang sya at bigla naman silang umalis , baka bibili yun ng pagkaen , sana ibili rin nila ako , gutom na ako ehh
REGIE's POV
Kanina pa pala ako nakayakap kay Baek , makabitaw na nga
"Ahhm , Baek , salamat kase nandyan ka" sabi ko sa kanya "Bakit ka namumula ? May saket ka ba ?" tanong ko sa kanya pero di parin sya sumasagot , hahawakan ko sana yung noo at leeg nya pero hinawi nya yung kamay ko sabay sabing
"Okay lang ako" ngiti nya sa aken
"Err , sige , akyat na ako , gutom na ako ehh , kumain ka na ha" at umalis na ako na parang walang nangyare , pero narinig ko syang bumulong yun ngalang hindi ko naintindihan
""""" Sa Room """""
"Bakit ang tagal mo?" -- Janella , bakit ba laging sya yung nauunang nagtatanong ? :3
"Matatapos na kami oh , ngayon ka lang" pagpapatuloy ni Maricris
"Bakit namumula mata mo ?" tanong sa aken ni Alexa
"Napuwing lang" sagot ko sakanya sabay singhot , eto ang mahirap eh pagnaiyak , sisipunin ka -_-
"Eh bakit ka sinisipon?" tanong naman sa akin ni Raiza
"Ahhm ano , kase--" naputol yung sasabihin ko ng dahil kay Maricris
"May problema ba?" diretso nyang tanong sa aken , anong gagawin ko ?
Hindi ako nakasagot , maya maya pa pumasok na yung labindalawang lalake , nararamdaman ko na nakatitig sa aken si BaekHyun kaya tinignan ko rin sya pero umiwas sya , lemma non ?
FEW MINUTES LATER (DONE EATING)
"Janella ! Peram cellphone" sigaw ni Raiza , para namang nasa ikapitong bundok si Janella ahh
"Oh eto" sabi ni Janella sabay abot nung cellphone nya
"Tara laro" wika ni Kristel
"Truth or Dare" sabi ni Glendel
"Game tara" sabat ni Alexa
"Pag pinili ay Truth at hindi sumagot kailangan may parusa" sabi ni Ella
"Gehh ! Sali ako dyan" sabi ni Janella
"Raiza , sali tayo" Maricris na pinipilit si Raiza
BINABASA MO ANG
Mr. Pa-Cool Guy ----- EXO Kris
Fiksi PenggemarPAGTITIIS diba isa iyan sa pinakamahalaga pag nagmamahal ka [StoryCover : Sharina Sagpao(Kwon Choi Oh Kim)]