☇ 33

1.3K 53 14
                                    

"Sama ng tingin natin ah?" Asar na sabi ni Soonyoung nang makita ang kaibigang masama ang tingin sa dalawang kumakain.

"Hina mo kasi." Dagdag pa nito.

"Nauhanan lang ako. Kabwiset." Inis na sabi ni Junhui habang masamang nakatingin kila Mingyu at Wonwoo.

"Nasaan na ang charms ng isang Wen Junhui? Nawala na ba?" Asar na tanong ni Soonyoung.

"Tumahimik ka nga dyan!" Inis na sabi ni Junhui.

Tumawa naman si Soonyoung. "Gago ka kasi eh, kung niligawan mo agad yan si Wonwoo edi sana hindi ka naiinis dyan? Hindi puro tingin lang?"

"Kung tutuusin mas lamang ka kay Mingyu. Di ko alam bakit pumayag si Wonwoo eh ang laki laki ng galit nyan kay Mingyu." Dagdag pa nito.

"Bakit ang dami mong alam?" Tanong ni Junhui sa kanya.

"Syempre sekretong malupit ko na yun. Pasalamat ka tropa mo ko kaya meron kang alam tungkol sa kanilang dalawa." Sabi ni Soonyoung.

"Tsaka marami namang iba dyan bakit si Wonwoo pa?" Tanong ni Soonyoung.

"Mas bagay sila oh." Dagdag niya sabay tawa.

Sinuntok naman ni Junhui si Soonyoung sa braso.

"Lumayas ka na nga. Panira ka ng mood." Sabi ni Junhui.

"Paalala ko lang sayo. Nasaktan na siya kay Mingyu kaya kung may balak ka talagang ligawan siya, seryosohin mo. Di yung marinig rinig kong pustahan ninyo nila Seungcheol. Mga ugok." Huling sabi ni Soonyoung saka iniwan si Junhui.

"Seryoso?" Ngising sabi ni Junhui sa sarili habang nakatingin kay Wonwoo.

Tayo ⚣ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon