☇ 44

1.1K 59 14
                                    

"Halika na, Hao." Sabi ni Wonwoo at kinuha na agad ang gamit niya.

"Bakit?" Tanong ni Minghao. "Nagmamadali ka ah."

"De, kasi may gusto akong ipakilala sayo. Tsaka alam kong gusto mo siyang makilala kasi diba tinanong mo siya sakin kung sino siya." Pag eexplain ni Wonwoo habang nakangiti.

Nanlaki naman agad ang mata ni Minghao. "S-sino?"

"Si Junhui. Naghihintay na siya sa atin sa labas, tara." Sabi niya sabay hila kay Minghao palabas ng classroom.

"B-baka naman si Mingyu ang binabanggit mo." Kinakabahan na sabi ni Minghao habang binibilisan nilang maglakad.

"Hindi ah!" Sagot nito. "Iba ang feeling pogi sa mismong pogi." Sabay tawa si Wonwoo.

"So, sa tingin mo gwapo si Junhui?" Tanong ni Minghao habang nakakunot ang noo.

"Oo? Siguro? Ewan?" Sagot ni Wonwoo.

"Pogi daw ew." Bulong ni Minghao.

Hindi na namalayan ni Minghao na nakarating na sila sa labas at saka tinawag ni Wonwoo ang lalaking naghihintay sa kanila. "Junhui!"

Nakangiti namang nakatingin si Wonwoo kay Junhui habang si Minghao naman ay kanina pa-minumurder si Wonwoo sa kagagahang ginawa niya.

Habang papalapit ang dalawa, unti-unting nanlaki ang mata ni Junhui na marealize niyang kasama ni Wonwoo si Minghao.

Shit.

"Kanina ka pa dito?" Nakangiting tanong ni Wonwoo. Hindi naman agad nakasagot si Junhui.

Napansin naman nito na parang hindi mapakali si Junhui sa pwesto niya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Wonwoo. Sumagot naman agad si Junhui, "A-ah, o-oo. Haha."

"Ah! Oo nga pala, Junhui. Ito nga pala si Minghao." Sabay hinila ni Wonwoo si Minghao papalapit kay Junhui. "Minghao, si Junhui nga pala."

Inilahad ni Junhui ang kamay niya sa harapan nito, "N-nice to meet you, M-m-minghao." Sabay ngumiti ng pilit.

"Nice to meet you too, Junhui." Cold na sabi ni Minghao sabay diniinan ang pakikipagkamay rito at ngumiwi si Junhui sa sakit.

"Oh, diba kilala mo na siya, Minghao? Kanina nagtatanong ka lang kung sino siya ngayon kilala mo na." Masayang sabi ni Wonwoo.

"Nagtanong siya about sakin?" Gulat na tanong ni Junhui kay Wonwoo sabay tumango ito.

Magsasalita pa sana si Wonwoo nang biglang sumulpot si Mingyu, "Woo!"

Lumingon naman agad si Wonwoo sabay may binulong si Mingyu sa kanya na ikinalaki ang mata nito.

"Ah! Kayo nalang pala sabay, makikisabay nalang ako kay Mingyu ngayon kasi may emergency sila eh." Nagmamadaling sabi ni Wonwoo.

"Ha? Babawi ako, Minghao at Junhui. Ingat kayo ah!" Huling sabi ni Wonwoo at agad tumakbo ang dalawa papalayo.

Naiwan naman ang dalawa, nang mawala na sina Mingyu at Wonwoo, agad nang naglakad papalayo si Minghao kay Junhui.

Hinabol naman agad siya ni Junhui, "Minghao." Tawag niya rito.

Tumigil naman sa paglakad si Minghao at hindi humarap kay Junhui. "Pwede ba tayong mag usap?" Mahinang tanong ni Junhui. "Kahit ngayon lang ulit."

Tayo ⚣ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon