☇ 35

1.1K 53 6
                                    

Pagkailang minuto, pumunta na si Wonwoo sa tapat ng gate kung saan naghihintay si Junhui.

"Junhui!" Tawag niya. Lumingon naman agad si Junhui saka tinago ang cellphone nito sa bulsa.

"Tapos na kayo?" Ngiting tanong ni Junhui.

"Mmm. Konti nalang at matatapos na kami." Sagot ni Wonwoo. "Kanina ka pa ba dito? Pasensya na ah, pinahintay kita ng matagal."

"Ayos lang. Worth it naman yung hintay ko." Sabay ngiti kay Wonwoo. "Nga pala, Wonwoo. May gusto akong sabihin sayo." Seryosong sabi ni Junhui.

"A-ano yun?" Tanong niya.

"Pwede ba kitang—" Hindi natapos ang sasabihin niya nang biglang may umeksena.

"WONWOO! YUNG PROJECT NASIRA!" Sigaw ni Mingyu habang papalit sa dalawa.

Nanlaki ang mata ni Wonwoo kaya naman agad siyang lumingon at nakitang tumatakbo papalapit si Mingyu sa kanila.

"ANO?!" Gulat na tanong niya. "HINDI PWEDE PINAGPAGURAN NATIN YUN!"

"Eh..." Sabi ni Mingyu sabay kamot sa ulo. "Nagalaw kasi masyado ni Seokmin yung project kaya nasira. Akala niya tapos na daw."

"AISH!" Frustrated na sabi ni Wonwoo. Humarap naman agad siya kay Junhui, "Junhui, pwede bang mauna ka nalang umuwi? Kailangan talagang tapusin yun."

"Sorry talaga ah. Iiwan na kita dito ah. Babawi ako promise!" Huling sabi niya bago bumalik sa classroom nila.

"Opps." Sabi ni Mingyu. "Sensya na tol ah, kailangan kasing tapusin yun eh."

"Nananadya ka ba, Mingyu?" Inis na tanong ni Junhui. "Sasabihin ko nang liligawan ko siya pero panira kang gago ka eh."

Tinaas naman ni Mingyu ang dalawa niyang kamay. "Sorry, boss." Sabay ngumisi kay Junhui saka ito iniwan.

Naiwang mag isa si Junhui saka sinipa ang bato na nasa tabi. "Bwisit."

Tayo ⚣ meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon