Una.

506 10 0
                                    

-

Pumaroon, pumarito
Mahal, muli't muling babalik sayo
Kahit di itinadhana, ngayo'y magtatagpo.

-

Author's note.

That piece is inspired from Ms. Jhing Bautista's story, Marahuyo. Iniba ko lang ng konting konti. Credits to Ms. Jhing Bautista for that. She is my favorite author, by the way.

-

"Okay, class dismissed." Sabi ng professor ko sa Literature.

Matapos mag anunsyo ng proyektong ipapasa namin sa finals, ay agad nitong tinapos ang klase. Kailangan naming kumuha ng litrato ng isang painting at lagyan ito ng kwento. Hindi basta bastang painting ang kailangang iprisinta kaya required kaming mag hanap sa mga museum sa iba't ibang sulok ng Pilipinas. Ito ang iniwan na requirement samin ngayong bakasyon.

Agad akong umuwi ng bahay at nag impake dahil bukas na ako uuwi sa San Amias, ang probinsya namin sa parteng Visayas. Doon ko na din balak maghanap ng painting habang nagbabaksyon.


"Oh yung mga papuntang Pier diyan, maya maya pa dadating ang bus!"

"Mani, chicharon, tubig kayo d'yan mam at ser!"

"Bili na kayong dunkin donuts, pasalubong!"

Rush hour na. Ganito kaingay sa terminal pagdating ko. Kaliwa't kanan ang sigawan ng mga kundoktor at vendors. Busina ng mga kotse na na-stuck sa traffic at halata mong uwing uwi na. Mga jeep na nakikipag unahan para makakuha ng pasahero, sabay sigaw ng barker ng "O, lima pa kasya! Sakay na kayo!" kahit mukha ng sardinas ang nasa loob ng jeep.

Bakit kasi kailagan pang ipagsisiksikan kung pwede namang mag hintay ng para sayo, di'ba? Yung may sarili kang pwesto, upuan. Yung hindi mo na kakailanganing makipagsiksikan. Nakakainit ng ulo yung ingay. Nakakarindi. Parang ang gulo gulo.

Nakakita ako ng café sa di kalayuan, walking distance lang from terminal. Nagsimula na akong magtungo sa café ng biglang,

"Ahhh! Snatcher! Habulin nyo! Tulungan niyo ako!"

Nasaksihan ko kung paano sinugatan at hinablot ng magnanakaw ang cellphone ng babaeng nasa harap ko habang namimilipit siya sa sakit ng paghiwa sa may bandang likuran ng kamay nya na ngayo'y nagdudugo na. Agad namang may tumulong sakanya.

Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot at kaba dahil kaunti lang ang layo sakin nung babae. Hindi na talaga ligtas sa mundong 'to.

Nang makabalik na ako sa ulirat ay agad akong nagtungo sa coffee shop, na akala ko'y tahimik ngunit ang dami rin palang tao at maingay rin dahil sa kwentuhan ng mga taong akala mo pagmamay ari ang cafe.

"One chocolate chip frappe for Ms. Elle." Sabay ngiti sakin nung crew habang inaabot ang binili ko. Nakangiti pero pagod na ang mga mata.

"Pwede naman sigurong dito na muna ako maghintay habang wala pa yung bus na sasakyan ko." Sabi ko sa sarili ko.

Umupo na ako sa dulong mesa katabi ng isang bookshelve. Nag iisang upuan na bakante. Parang ginawa 'to para sa mga mag isa lang talaga. Para sakin. Pag upo ko ay muling nagbalik ang takot ko. Nakakatakot mag isa.

Ini-scan ko nalang ang shelve para mawala ang takot. Habang ini-scan ko ito para makahanap ng babasahin, agad nagtama ang tingin namin ng isang lalaki na kukuhanin din ang librong kukuhanin ko, sana.

Labinglimang segundo.

Labinlimang segundo ang itinagal ng pagtititigan namin ng estranghero sa harap ko. Ngunit bakit tila may kakaiba? Ang kalmado. Ang payapa. Parang nakauwi na ako. Nawala lahat ng ingay sa paligid ko. Nawala ang takot at pangamba sa puso ko. I felt safe and sound, nang dahil sa mga matang iyon.

Sino ka ba?

Agad akong nag iwas ng tingin at ibinaling nalang ang atensyon ko sa iniinom ko. Ngunit ang bilis ng tibok ng puso ko. May nararamdaman akong hindi maipaliwanag.

Hoy Audrielle Laine! Nag away lang kayo ng boyfriend mo, tumitingin ka na agad sa iba!

Ugh, right. I totally forgot about my boyfriend. Boyfriend ko nga ba? Mahigit kalahating araw na akong hindi nagpaparamdam sakanya, hindi man lang ako hinahanap. Hindi kasi ako nag goodmorning sa text ngayong araw dahil nag away kami kagabi na kasalanan naman nya, pero sya pa yung nagalit.

I saw him with a girl yesterday at our school, yes schoolmates kami ng boyfriend ko. I am a journalism student while he is an engineering student. Nakita ko sila sa library kasama yung blockmate niyang babae. Wala namang kaso sakin yung ganun dahil may tiwala naman ako sakanya, pero hindi ko naman maiwasang magduda dahil nagcheat na sya, noon. At isa pa, ni hindi man lang sya nagtext or nagchat man lang kahapon. Sana man lang nagsabi siya, diba?

Hay Adrielle. Umayos ka, wala lang yun.

Umaasa ako na ngayong araw, ako naman ang hahanapin niya. Siya naman yung mag e-effort na kausapin ako at suyuin ako. Pero, wala eh. Naiintindihan ko naman na busy sya with his plates and other requirements, pero ano ba naman yung ilang minutong pagtext, di'ba? Tatlong taon na akong palaging nanlilimos ng oras at atensyon niya. Kailan kaya ako mapapagod?

Bumalik na naman yung sakit at kirot sa dibdib ko. Nawala yung 'safe feeling' na nararamdaman ko kani-kanina lang. Nawala na din yung lalaking nagparamdam sa akin nun. Ngunit may tatlong pirasong petal ng rosas sa lapag ang naiwan kung saan nakatayo ang misteryosong lalaki kanina. Saan naman nanggaling yun?

Pero may kakaiba talaga sa mga matang 'yon.

Nakita ko yung librong kukuhain ko sana, at agad kong kinuha ang itim na libro na may pamagat na, "Pahimakas."

Binuklat ko ang itim na libro, pero nanlamig ako sa nakita ko.

Sa unang pahina, may nakaguhit na eksaktong scenario ng pagtititigan namin ng misteryosong lalaki kanina. Parehong pareho sa itsura nitong bookshelf. Detalyado.

Kamukang kamuka ko yung babaeng nakaguhit, ngunit sa larawan na iyon ay libro ang hawak ko, imbis na frappe. At may hawak na pulang rosas yung misteryosong lalaki kanina dun sa libro habang nakasoot ng wirdong damit na puno ng palamuti. Weird.

At sa ibabang bahagi ay may nakasulat na, "muling pagtatagpo."

Ibinalik ko na ang libro at agad akong lumabas sa cafe na iyon dahil sa pagtataka at dala na rin ng pagiging paranoid ko. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.


Agad na akong sumakay sa bus papuntang Pier. Kailangan ko pang sumakay sa barko bago makarating ng San Amias. Nakatitig lang ako sa bintana at maya maya ay titingin na naman sa cellphone ko, nag aantay ng text ni Kevin.

"Maligayang pagdating, Audrielle!" Bati sakin ni Yaya Lusing. Kasambahay namin dito sa ancestral house namin sa San Amias. Si kuya Tristan lang ang kasama ko ngayon dito dahil parehong nasa Maynila ang mga magulang ko, nagtatrabaho.

Sa tatlong araw ko sa barko, hindi ko din nagawang itext si Kevin dahil walang signal pero mukang hindi naman siya nag-aalala. Bago ako sumakay ng barko, nagsabi ako sakanya na uuwi akong San Amias at ang tanging sagot niya lang ay, "ingat, love." Sweet diba?

Inayos ko na ang gamit ko sa kwarto ko at nagpahinga na. Hindi ko na muna siguro kakausapin si Kevin. Mukha namang wala lang din sakanya. Agad akong humiga ngunit may napansin ako sa lapag ng bintana.

Tatlong petal ng rosas at yung itim na libro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Within Three DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon