Erica's POV
"Ano na? Tara na" sigaw ko kay Airah
Nasa loob sya ng banyo at naliligo pa lang. Napakatagal talagang gumayak ng babaeng to.
"Oo na. Wait lang kasi at inayos ko pa yung mga gamit ko kanina" sagot nya
"Bakit kasi di mo pa inayos kagabi o kaya gumising ka ng maaga para naayos mo yan?" Irita kong sabi. Ayoko talaga ng pinaghihintay e. Nakakabanas
Bigla naman bumukas ang pinto ng c.r nya at lumabas syang nakabihis na. Buti naman, kung magbibihis pa lang sya ay iiwanan ko na talaga sya.
"Sorry na. Eto na nga diba?"
Maghahanap na kami ngayon ng ibang matutuluyan malapit sa SM building. Nakausap na namin si Ate Grace about sa plano namin at sumang-ayon naman sya. Bahala daw kaming dalawa sa trip namin, basta daw sya maglilibot lang daw sya araw-araw.
10 am na. At nandito pa rin kami sa hotel. Kung maaga kaming nakaalis dito marahil ay may nahanap na kami but dahil nga sa kabagalan ng isang to baka matagalan pa bago kami makahanap.
Hindi lang naman kami ang mga taong gustong gawin ito para lang makita ang EXO. Una-unahan lang yan. At kanya-kanyang diskarte.
After 30 minutes natapos na rin syang mag-ayos ng sarili nya. Hinila ko na agad ang maleta ko at tinungo ang kwarto ni Ate Grace.
"Ate Grace. Alis na kami. We will text you na lang kung saan kami nakahanap ng lilipatan. Wish us luck na lang" bungad ko kay Ate Grace na nakadapa pa sa kama nya at palagay ko'y nanunuod ng KDrama.
"Okay. Di ko na talaga malaman ang trip nyong mag-bestfriend. Kakaloka kayo! May tinutuluyan na nga kayo, maghahanap pa kayo ng iba. Pinapahirapan nyo lang sarili nyo" sagot nya habang natatawa
"You don't care ate. Hindi naman ikaw ang mahihirapan, kami naman diba? Just support mo na lang us. Anyways, iiwan ko pala sayo tong isang maleta ko ha? Para dalawa na lang ang dadalhin ko doon. Mahirap magdala ng marami e" singit ni Airah.
"Di sana naisip mo yan. Bago tayo umalis ng Pilipinas. Sobrang dami kasing dala, kala mo namang kaya. Buti sana kung hindi patpat" pangiinsulto ng ate nya.
"Tse! Paepal!" Inis namang sabi ni Airah. Pikon talaga ng isang to.
"Okay. Tara na, baka kung saan pa mapunta ito. Lets go! Bye ate!" Singit ko sa kanila at baka matagalan pa kami ni Airah dito dahil sa pagbabangayan nilang magkapatid.
Pumara agad kami ng taxi at dali-daling sumakay dito. Naisipan kong tanungin si manong driver kung may alam syang matutuluyan malapit doon.
"Ah. Sa SM Building ba? Naku, puro gusali ang nakapalibot doon. May mga kaunting bahay naman, kaya lang may mga nakatira. Mas maganda kung makikiusap kayo na patuluyin sa bahay nila, mas makakamura pa kayo" advice ni manong.
"Sige po" sagot namin
"Teka, matanong ko lang. Bakit kailangan malapit doon, magau-audition ba kayo para maging Kpop star?" Pang-uusisa ni manong.
"Naku, hindi po" sagot ko na lang.
Hindi naman na ito nagsalita pa at itinuon na lang ang pansin sa daan.
After ilang minutes, nakarating na kami sa tapat ng SM building. As expected. Marami na namang fangirls ang nag-aabang na lumabas ang mga bias nila.
Ano ba kasing meron dyan sa loob ng SM building at ayaw nilang lumabas? Di ba sila nabo-bored dyan?
"Waaaaaah! Beshu! Ang ganda pala nitong SM Ent. Building! Ang laki!" sabi ni Airah na halata kong naamaze sa nakikita.
Binatukan ko naman sya pero mahina lang.
BINABASA MO ANG
Hey Bias!
FanfictionA girl who just wanted her to be loved. A girl who just wanted her to be noticed. A girl who just wanted to be with him all the time. A girl who just wanted to wiped his tears when he's in pain. Paano nga ba nya magagawa ang lahat ng ito kung alam n...