Erica's POV"Hello, Seo Hee. It's nice meeting you" sabay na sabi namin ni Airah.
Umuwi ngayon si Seo Hee sa bahay nila upang bisitahin ang lola, kaya nandito sya. Paggising ko, nakita ko na lang sya dito habang nakikipagkuwentuhan kay Lola Cheon. Nagulat pa nga sya nang makita kaming dalawa ni Airah at dahil doon pinaliwanag ni Lola Cheon kung bakit kami nandito. Maganda sya, maputi ang balat syempre, may bangs at may maikling buhok. Imagine doon sa mga bidang babae na napapanood natin sa Kdrama? Ganoon na ganoon ang hitsura nya.
"Uhm. Hello din" bati nya samin nang nakangiti. Ang bait nya, parehas na parehas sila ng ugali ni Lola Cheon.
"Pasensya na sa abala at nakikitira kami dito. Ininvade pa namin ang kwarto mo. Pasensya na talaga" nahihiya kong sabi.
Ngumiti sya "Okay lang. Buti nga may kasama si Halmeoni dito habang nagtatrabaho ako. Teka, bakit magaling kayong mag-korean kung Filipino pala kayo?" Nagtataka nyang sabi.
"Kasi Seo Hee. Kpop fan kami, fan ng EXO. Dahil sa kanila kaya kami nagpursigeng mag-aral ng hangul at magpunta dito" sagot ni Airah. Nakabihis na ito at ready na sa paghahanap ng trabaho, aba, pursigido ang bestfriend ko! Ako naman, hindi pa ko nakakaligo at late na kong nagising, ni hindi man lang nya kasi ako ginising kanina.
"Jinjja? Kyaaah! Ako din e. Kaya lang multifandom ako" kinikilig nyang sabi.
Marami pa kaming napagkuwentuhan ni Seo Hee. Feeling ko nga ang dami na agad namin nalaman sa isa't-isa. Ang dali nya kasing maka-close. Napaka-friendly!
Nakaligo na rin ako at ready na rin sa paghahanap. Nagsuot lang ako ng Jumper shorts at pinalooban ito ng white shirt at ni-partneran ko ng white sneakers. Nag-shorts lang ako upang hindi matakpan ang sugat ko. Kapag nadidikitan kasi ng tela sumasakit e. Napagkasunduan namin ni Airah na 'wag na munang sabihin kay Lola Cheon na maghahanap kami ng trabaho for them, at tiyak hindi papayag iyon.
"Alis na po kami may pupuntahan lang" pagpapaalam namin ni Airah.
"Sige. Saan ba ang punta niyong dalawa?" Tanong ni Lola Cheon.
"Uhm. Mamasyal lang po. Sige po bye!" Sagot namin sabay diretso sa pinto.
Papalabas na sana ako ng maramdaman kong kumikirot ang sugat ko sa tuhod.
"Ouch!" Pag-inda ko sa sakit. Tinitigan ko ang tuhod ko. Sariwang sariwa pa ang mga sugat nito, kaya mahapdi pa.
"Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Airah. Hinawakan nya pa ang braso ko.
Buti na lang at busy si lola Cheon sa pakikipag-usap kay Seo Hee, kaya hindi nya kami napapansin."Wala. Kumirot lang yung sugat ko. Mauna ka na, susunod na lang ako. Iinom lang ako ng gamot, pampawala ng kirot" sagot ko sa kanya.
Tumango naman sya at dumiretso na sa labas. Pumasok naman ulit ako ng bahay upang uminom ng gamot. Tinanong pa ako ni Lola Cheon at Seo Hee, kung ano ang problema, sabi ko kumirot lang ang sugat ko at dumiretso na rin palabas ng bahay.
Paglabas ko, may isang mamahaling sasakyan ang naka-park sa labas ng bahay ni Lola Cheon.
Sino kaya to? Bisita kaya ito ni Lola Cheon o baka naman nakikipark lang. Kaya naman tinuloy ko na ang paglalakad ko. Nang nasa tapat na ako ng kotse, biglang bumaba ang bintana nito sa driver's seat at iniluwa ang isang napakagwapong lalaking nakangiti pa sa akin.
"C-chanyeol?" Gulat na gulat na tanong ko. Sya kasi ang sakay ng kotseng ito. Shet! Nananaginip na naman ba ako? Ano ba Erica, tama na! Tapos na ang biyaya ni God. Bakit ka naman pupuntahan ni Chanyeol dito diba? Asa ka na naman.
BINABASA MO ANG
Hey Bias!
FanfictionA girl who just wanted her to be loved. A girl who just wanted her to be noticed. A girl who just wanted to be with him all the time. A girl who just wanted to wiped his tears when he's in pain. Paano nga ba nya magagawa ang lahat ng ito kung alam n...