Chapter 2

1 0 0
                                    

Ven's POV


Pagkabihis ko ng uniform e bumaba na 'ko.

"Good morning anak kong maganda sa balat ng lupa" sabi ni mama sabay halik sa aking pisngi


"Good morning din mama. Nasan po si kuya?" wala kasi yung maingay kong kapatid na bakla.


"Oh namiss mo nanaman yung kapatid mong pinaka-gwapo sa balat ng lupa" sabi ni kuya na biglang sumulpot sa gilid ko hindi ko alam kung saan nanggaling.


"Ang hangin naman ma. May bagyo ba?" sabi ko sabay tawa namin ni mama. Si kuya naman nakabusangot na. Banas talo kasi e. Hahahaha


"Oh mag-aaway nanaman kayo ng kuya mo niyan e" sabi ni papa sabay higop ng kan'yang kape sa tasa niya.

Beep, beep, beep

"Opo pa. Sige kunin ko nalang po 'tong sandwich. Kakainin ko nalang habang papunta sa school" sabi ko sabay halik kay mama at papa. Si kuya naman binelatan ko lang sabay takbo palabas ng bahay


"Ingat ka panget!" pahabol na sigaw ni kuya.


Sabi nila para daw kaming kambal ni kuya. Minsan nga natatawa ako e. Kasi sabi nila kambal daw kami kahit na hindi naman. Dalawang taon lang yung tanda ng kuya ko sa'kin kaya naman close na close na kami.

College na siya. Ako naman grade 9 palang. Naabutan kasi ako ng K-12 e. Swerte lang ni kuya kasi hindi siya naabutan.


Lahat na nga ata ng school ng college dito napasukan na niya. Pati mga course iba iba. Akala mo mga babae niya e. Papalit palit agad.


Nandito na pala kami sa tapat ng 7/11


"Ahm. Kuya paki-baba nalang po diyan sa 7/11. Maglalakad nalang po ako papasok ng school malapit naman na po e" sabi ko sabay bukas ng pinto ng sasakyan namin.

"Sige iha. Ingat ka"


"Sige po salamat"

Pagpasok ko sa 7/11 pumunta na agad ako sa mga drinks at kumuha ng paborito kong drinks ang

MILKIS!

Owyeah. Kahit hindi ba ako kumakain ayan agad iniinom ko. Masarap kaya. Try niyo.

Pagkatapos kong magbayad e umupo na ako sa mga vacant seats. Wala naman kasi masyadong customer kasi masyado pang maaga.

Pagkabukas ko ng Milkis e sinabay ko na din yung sandwich na dinala ko kanina.



Lagi akong bumibili ng milkis dito. Kasi may naaalala ako pag umiinom ng milkis.



Flashback

Kakauwi ko lang ng bahay 4th day palang ng klase kaya wala pa masyadong ginagawa.

Pagtapos kong magshower at magbihis ay binukas ko na yung laptop ko at binuksan ang facebook account ko at nakita kong nakabukas yung 'crush' (Ethan) ko. Hahahahaha mapagtripan nga?

"Hi po idol. Pa'fs naman po. Matagal na po kasi kitang idol. Kahit autograph nalang po mas maganda kung picture nalang po. Sige na po idol. Pretty please?"

At pagkasend na pagkasend ng message ko naghintay ako ng ilang segundo at sineen naman niya agad.


Typingg...

"Ay sa susunod nalang ha? Busy kasi ako masyado" aba. At kailan pa siya nakiki-paglokohan sa'kin?


Sa pagkaka-alam ko diring diri 'to saakin e. Diba?


At ayon nga. Tumagal yung chat namin. Kung ano ano lang yung mga napagchachat namin. Puro asaran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled Love Story? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon